Raffy Tulfo, nawindang sa ibinuking ng babaeng inireklamo ang pangit na BF

Raffy Tulfo, nawindang sa ibinuking ng babaeng inireklamo ang pangit na BF

- Binigyan ng payo ni Raffy Tulfo ang isang babaeng complainant na niloko raw ng kanyang nobyo

- Ayon sa babae, nadiskubre niya na marami pala sila sa buhay ng lalaki

- Ngunit mariin naman itong itinanggi ng inirereklamong nobyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog sa programang Aksyon ang 47-anyos na si Divina Azarcon para ireklamo ang kanyang nobyo na niloko umano siya.

Nais rin nito na mabawi ang alahas nito na isinanla ng nobyong si Hermigildo Gaviola.

Kwento pa ni Divina, nadiskubre niyang marami pala sila sa buhay ng lalaki.

Napag-alaman pa raw nito na pang-21 siya sa mga babae ng inirereklamo. Ikinagulat naman ito ni Raffy Tulfo.

Giit pa ni Divina pinili na niyang mahalin si Hermigildo kahit na pangit raw ito upang hindi na siya magkaroon pa ng problema.

Ngunit mas matindi pa raw ang naranasan nito mula sa lalaki. Nalaman din umano nito na nakahingi na rin pala ito ng motor at P50,000 mula sa iba pa nitong babae.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pero ang lahat ng akusasyon ni Divina, pinabulaanan ni Hermigildo. Depensa nito, matagal na siyang hiwalay at ang mga sinasabi nito ay mga nakaraan na lang.

Sabi pa nito, nais na niyang isoli ang alahas ni Divina ngunit gusto nito na sa barangay na lang sila magharap.

Samantala, sa panayam naman ni idol Raffy kay Divina, sinabi nito na ilang beses na niyang nabuking ang lalaki.

Hindi rin daw nito inamin na mayroon na itong pamilya sa Bacolod kung saan mayroon itong mga anak.

Inamin naman nito na inakala niyang makakasama na talaga niya sa buhay si Hermigildo.

Binigyan naman ito ng payo ni idol Raffy tungkol sa paghaharap nito at ng kanyang dating minahal. Maging payo sa pakikipag-relasyon ay hindi rin ipinagdamot ng sikat na broadcast journalist.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Noodles, ginamit na pang-ayos ng sirang lababo, mangkok, upuan at pati inidoro

Noodles, ginamit na pang-ayos ng sirang lababo, mangkok, upuan at pati inidoro

Instant noodles, ginamit na pang-ayos ng sirang lababo, mangkok, upuan at pati inidoro
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel