71-anyos na lolo, natangayan ng mahigit P100K dahil sa online love scam

71-anyos na lolo, natangayan ng mahigit P100K dahil sa online love scam

- Kinaibigan muna bago hiningan ng P124,000 ang isang 71-anyos na lalaki na nabiktima ng "online love scam"

- Kwento ng biktima, nagduda raw siya nang muling humingi ng karagdagang P168,000 ang kanyang kausap

- Arestado naman ang isang suspek na babae na itinanggi ang paratang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Arestado ang isang babae matapos itong mahuli na kumuha ng perang padala ng biktimang 71-anyos na lalaki sa isang remittance center.

Kinilala itong si Pelagio Dumasig na naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Navotas City.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, modus ito na ang mga kadalasang biktima ay mga matatandang lalaki na aktibo sa pakikipag-chat.

Umabot sa P124,000 ang natangay sa biktima ng suspek na nagpanggap umano na Amerikanang retiradong sundalo.

Ayon sa kwento ng biktima, kinaibigan siya ng suspek sa Facebook.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pagkaraan ng isang buwan, nagpadala raw ito ng larawan ng maleta na mayroong mga pera at alahas at sinabing naipit raw sa Bureau of Customs.

Nakumbinsi naman daw ang biktima at nagpadala ng nasabing halaga para mailabas ang maleta.

Ngunit matapos nito ay humingi pa raw ng karagdagang P168,000 ang suspek. Doon na daw nagduda ang biktima.

Ang masaklap pa nito, inutang lamang pala nito ang pera na naibigay sa suspek.

Samantala, itinanggi naman ng nahuling suspek ang akusasyon at sinabing inutusan lang umano siya na kumuha ng pera sa remittance center.

Ganunpaman, ikinulong ito ng mga awtoridad at mahaharap sa kaso. Hinahanap naman ang mga kasabwat nito ayon sa ulat.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel