SPED students, inaasikaso ang kaklase nilang di makakain mag-isa

SPED students, inaasikaso ang kaklase nilang di makakain mag-isa

- Marami ang natuwa sa video ng special education students na tinutulungan ang kanilang kaklase

- Mayroon pa lang cerebral palsy ang kaklase kaya naman limitado lamang ang kilos nito

- Natuwa ang guro sa pagkukusa ng dalawa at pagpapakita nila ng malasakit sa kaklase

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang nakakaantig na video ng gurong si Christine Lopez ng Mouaque Resettlement Elementary School sa Mabalacat City, Pampanga kung saan makikita ang dalawang special education students na sina Yuan at Kari na tinutulungan ang kaklase nilang mayroon pa lang cerbral palsy.

Ayon sa panayam ng Inquirer sa guro, umpisa pa lamang ng klase noong Hunyo 3, binilinan na niya ang dalawa na alalayan sa pagsusulat at sa pagkain ang kaklase na nakaupo pa sa wheelchair.

Ginagawa naman ito nina Yuan at Kari ngunit laking gulat ng guro nang makitang tinatapatan pa ng dalawa ng maliit na electric fan ang kaklase habang sinusubuan naman ng pagkain sa oras ng kanilang recess.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maririnig sa video na pinuri ng guro ang pagkukusa ng dalawa at sinasagawa talaga ng mga ito ang pag-alalay sa kaklase nilang mas hirap ang kalagayan kumpara sa kanila..

Maraming netizens ang natuwa at humanga sa ginagawa nina Yuan at Kari na sa kabila ng kanilang kondisyon, nangibabaw parin ang pagmamalasakit sa kanilang kapwa.

Umabot na sa mahigit 765,000 views ang nakakataba ng puso na post ni teacher Tin Tin.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: PINOY Tongue Twisters | Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel