Kasalang ginanap isang araw bago pumanaw ang groom, viral

Kasalang ginanap isang araw bago pumanaw ang groom, viral

- Viral ang nakakatunaw ng puso na kasalang ginanap isang araw bago mamatay ang groom

- May malubhang karamdaman ang lalaki na makikitang mahina na

- Ayon sa caption ng post, pumanaw na rin ang groom isang araw matapos ang madamdaming kasalang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa emosyonal na kasalang naganap, isang araw bago pumanaw ang groom.

Sa post ng netizen na si Trey Jones, aakalaing ordinaryong kasalan lamang ito.

Ngunit, kapansin-pansin ang bride na naghahanda para sa seremonya ngunit ang groom, nakapikit na nanghihina na habang binibihisan ng mgakaibigan at kamag-anak nila.

May caption ang post na "A woman has shared heartbreaking footage of the moment she married the love of her life, just one day before he died," kaya naman mas naunawaan ng mga nakapanood ng viral video kumbakit ito naging mas espesyal.

Halos lahat ng dumalo sa kasalan ay naging emosyonal lalo na nang magkita na ang bride at groom.

Naisakatuparan ng dalawang nagmamahalan ang kanilang pagiging isa bago pa man lumisan ang lalaki dahil sa malubhang karamdaman.

Dahil dito, maging ang mga netizens ay di napigilan maluha sa nakakaantig ng pusong kasalang ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga naging reaksyon:

"trust me I’ve gone through my whole toilet paper roll like 2 days ago don’t make me watch it again"
"Makes me want to roar at this unfair world"
"This is so beautiful I cried so hard knowing the day after he had passed. Life is so unfair"
"I cant stop crying"
"it just gave me a heartache."
"So beautiful and Thank you for sharing your beautiful day."
"wedding was very beautiful it made me start crying"

Umabot na sa mahigit 1.7 million views ang nakakadurog ng puso na video na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: PINOY Tongue Twisters | Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel