Mga Ivatan, isinasabit lang ang bayad sa kuryente sa labas ng kanilang bahay

Mga Ivatan, isinasabit lang ang bayad sa kuryente sa labas ng kanilang bahay

- Maraming Ivatan ang madalas na nasa bukid kaya iniiwan na lamang nila ang kanilang bayad sa kuryente sa labas ng kanilang bahay

- Sinasabing tapat at mapapagkatiwalaan ang mga Ivatan kaya naman wala pang naiulat na nawalan ng pambayad dito

- Umani ng papuri ang nakagawian na ito ng mga taga-Batanes at sana raw kahit saang lupalop ng Pilipinas ay pwede itong gawin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang ulat ni Zhander Cayabyab ng DZMM, ABS-CBN tungkol sa mga Ivatan na nag-iiwan lamang ng kanilang bayad sa kuryente sa labas ng kanilang bahay sa Brgy. Kayvaluganan, Basco, Batanes.

Gaya na lamang ni Carmen Castillo na palagian nang iniiwan ang pambayad niyang nakasupot kasama ang kanyang electric bill malapit sa kwentador ng kuryente nila.

Nasa bukid kasi siya maghapon at malamang, pagdaan ng kolektor ay wala sila sa kanilang tahanan.

Hindi lamang si Carmen ang gumagawa nito Katunayan, halos lahat ng tao sa kanilang pamayanan ay ito na ang nakagawian.

Sadyang matapat daw at mapapagkatiwalaan ang mga Ivatan ayon na rin sa kolektor ng BATANELCO na si Aleth Mata.

Samantala, labis na humanga naman ang mga netizens na nakakita ng nakaka-good vibes na post na ito.

Kung nagagawa nga raw ng isang komunidad sa bansa, sana raw ay magawa na rin narin ng buong Pilipinas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan pa sa kanilang mga komento:

"wala po kasing magnanakaw sa batanes lahat ng tao dun super babait my naiwan kame gamit..hinanap p po kme para ibalik sa amin"
"Mabuhay ang mga ivatan. Isang huwarang komonidad sa katapatan. Sana mas ma feature sa media upang gayahin pa ng ibang community."
"Sana sa Lahat ng Bayan at Siyudad sa bansa maging tapat ang mga tao. Napapka gandang Halimbawa ang pinapakita ng mga Ivatan sa mga pilipino. Hopefully ma adopt ng lahat."
"Sana boung pilipinas ganyan na kudos sa ivatan,isa kayong huwarang di lang sa pilipinas sa boung mundo,God bless mabuhay ang lugar na ito"
"Yes n yes mga ivatan ay mabait. Magagalang, honest etc. Totoo yan last month dyan kmi nag tour! Napaka disciplenado mga tao dyan"
"Kailan kaya maging ganyan ang ugali ng mga tao sa buong Pilipinas?How? I wish even. Na marating ko ang lugar ito ng mga tapat na Pilipino. Mabuhay ho kayo."
"God bless sa kanila,ang babait sana mga nasa Gobyerno ganyan hindi nagnanakaw..ang yaman na sana ng Pilipinas, salute sa mga taga Ivatan"

Sa loob lamang ng dalawang oras mula nang ibahagi ang post, umani na ito ng nasa mahigit 50,000 reactions, 2,800 comments at 7,400 na shares.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: PINOY Tongue Twisters | Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Pokwang channels her inner 'Darna' in viral social media post

Pokwang channels her inner 'Darna' in viral social media post

Pokwang channels her inner 'Darna' in viral IG post
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel