Gurong nagtuturo sa klaseng "inside the kulambo," hinangaan ng mga netizens

Gurong nagtuturo sa klaseng "inside the kulambo," hinangaan ng mga netizens

- Marami ang bumilib sa isang klase na nasa loob ng kulambo

- Kakaiba mang tingnan, mainam na rin daw ito para iwas lamok, iwas dengue

- Umani ng iba't iba pang mga reaksyon ang post na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang isang klase na nasa loob ng malaking kulambo.

Sa post ng Tatak Mindanao, makikita na nagtuturo ang guro habang ang mga estudyante na nakaupo sa kani-kanilang upuan ay nasa loob ng isang kulambo.

Marami ang natuwa dahil isa marahil ito sa naisip na paraan ng guro para masiguradong ligtas ang kanyang mga estudyante sa lamok na maaaring magdala ng dengue.

Kahit pa nasa loob ng kulambo, makikitang komportable naman ang mga bata sa kanilang sitwasyon dahil na rin sa mga electric fan na nakapalibot sa kanila.

Samantala, umani ang mga larawang ito ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizens.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Bihira lng naman ung mga ganitong guro na may malasakit.."
"May mbuting puso si mam at malasakit sa mga tinuturuan niya d tulad Ng iba jan mairaos Lang nila ang maghapong pagtuturo wala na silang paki sa kaligtasan Ng mga bata good job po mam..."
"Good job maam ikaw ang may tunay n malasakit."
"Dapat nasa loob din po kayo dahil baka kayo po magkadengue. Btw, I salute you po."
"Nakakatuwa si Mam, kaso baka antukin naman ang mga bata. hehehe. pero saludo po kami sa inyo!"
"Kumot at unan nalang kulang..pero ang galing ni mam ah, naisip pa talaga ito!"
"Oking oki sana, pero masakit naman s mata. Blurd tingnan ang black board nyan. Try ny pasok s mosquito net.at sumulat letters s wall. And ul fnd out."

Umabot na sa 2,000 reactions at 6,500 shares ang naturang post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: School Program Questions We Bet You Can't Answer | HumanMeter

Simple science questions from school program? Well, let's see how simple they are!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mag-asawang may timbang na nasa 300-500 lbs., tinupad ang kanilang "new year's resolution"

Mag-asawang may timbang na nasa 300-500 lbs., tinupad ang kanilang "new year's resolution"

Mag-asawang may timbang na nasa 300-500 lbs., tinupad ang kanilang "new year's resolution"
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel