Pinoy sa Arthdal Chronicles, nagbahagi ng larawan nila ni Song Joong Ki

Pinoy sa Arthdal Chronicles, nagbahagi ng larawan nila ni Song Joong Ki

- Isang Pilipino ang nakasama sa Korean drama na Arthdal Chronicles starring Song Joong Ki

- Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nagbahagi ang Pinoy na si Nash Ang ng ilang larawan nila ng sikat na Korean actor

- Ipinagmalaki ni Nash na napasali ang Philippine language na “Tausug” sa sikat na K-drama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang pambihirang pagkakataon para sa Pilipino na si Nash Ang ang mapasama sa ongoing Korean drama na Arthdal Chronicles.

Pinangungunahan ito ng sikat na Korean actor na si Song Joong Ki na laman ng headlines nitong nakaraang linggo matapos mabalita ang divorce nito sa asawang si Song Hye Kyo na isa rin sa sikat na aktres sa Korea at maging sa Asia.

Una nang naiulat ng KAMI na bumaba umano ang ratings ng latest K-drama na ito ni Song Joong Ki matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nito at ng asawa.

Samantala, ang karakter naman ni Ang ay lider ng isang tribo sa drama na gumagamit ng iba't-ibang lengwahe kasama na ang "Tausug" na mula sa mga katutubo sa Mindanao.

Sa panayam kay Ang ng Good News Pilipinas, sinabi ni Ang na napasama siya sa drama dahil inirekomenda siya ng kanyang talent manager sa Korea.

Dati na rin pala siyang napasama sa iba pang Korean drama katulad ng Cheo Yong at The Undateables.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Anito, kahit na maliliit na karakter lamang ang kanyang ginampanan ay nagpapasalamat pa rin siya na mapasali ang isang Pilipino sa Korean entertainment.

Napag-alaman naman ng KAMI na si Ang ay isang multi-awarded filmmaker na kasalukuyang naninirahan sa South Korea dahil sa scholarship na natanggap niya para sa advanced studies sa filmmaking.

Isa rin itong social entrepreneur at ito ang nasa likod ng Pinoy store, isang sari-sari store online na nagseserbisyo sa mga Filipino migrant workers sa Korea.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Titser, lumusong sa baha na pasan ang estudyanteng may sugat

Titser, lumusong sa baha na pasan ang estudyanteng may sugat

Titser, lumusong sa baha na pasan ang estudyanteng may sugat
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel