Neri Miranda, sinagot ang netizen na kumwestiyon sa kanyang pananamit

Neri Miranda, sinagot ang netizen na kumwestiyon sa kanyang pananamit

-Agad na sinagot ng "wais na misis" na si Neri Naig Miranda ang isang netizen na kumwestiyon sa kanyang pananamit

-Samantalang ang mga fans naman ni Neri, 'di napigilang punahin rin ito

-Maging ang kanyang mister na si Chito Miranda, pinuna rin ang netizen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi pinalagpas ni Neri Naig Miranda ang isang netizen na pumuna sa kanyang pananamit sa loob ng bahay.

Sa isang Instagram post ni "wais na misis" kung saan siya naka-pajama habang siya ay nasa library ng kanilang bahay, nag-comment ang netizen na si tully_venom2654.

"Bakit po parati kayo naka pajama,although alam ko pong ngppromote kayo di po ba mas mainam na mgpang karaniwan kayong suot lalu pot may mga paper works kayo..iba kasi pakiramdam pag formal clothes ang suot." anito.

Maayos naman itong sinagot ni Neri.

"@tully_venom1014 nasa bahay po ako, bakit po ako magfoformal? Mas comfortable para sa akin ang pajama kaysa sa formal."

Ngunit ang ilan sa mga followers ni Neri, hindi napigilang punahin ang netizen.

"Ok ka Lang teh! Formal? Sa bahay? Pang malakihang Occasion ba Ito?"

"Dahil may paper works formal agad?"

"Just want to know if alam mo ba talaga sinasabi mong FORMAL CLOTHES? Just asking."

"Naiinggit ka nohm bat kaya d ka din mag pajama sa opis. Cheeeeee."

"Oo nga. Nag tanong ka nung una. Pero nung huli sinabihan mo pa sya kung ano dapat nyang suotin. Stylist ka?"

Sinagot naman ng nabanggit na netizen ang ilan sa mga komento ng ilan laban sa kanya.

"So pag ngtanong na sytylist na!?? Ganon tipikal pinoy daming mga talangka.msama na ba mgcomment ngayon so wish ko nga stylist nya ako para di siya parating naka pajama kahit ngttabaho..

"Pajama pag matutulog ka,paggsing mo para sa kaalaman kailngan talaga mgpalit ng dami,bakit? Kasi ayun ung sign mo n magaging iba ang pkiramdam pag pinlitan mo ung pajama as a casual clothes,usually kasi pag parati ka naka pajama dun ng uumpisa na mg loose ang balat at katawan mo dahil kampante ka sa pajama kaya madaming losyang."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinagot naman ito ni Neri at ipinaliwanag sa netizen ang kanyang side.

"@tully_venom1014 hindi naman. Mas masaya akong nakapajama sa bahay. Kahit naligo na rin ako, pajama pa rin ang sinusuot ko. Or minsan duster, hehe!

"Dun ako komportable. Kapag nasa stores naman ako at humaharap sa staff ko, naka casual lang din ako.

"Sa events lang ako nakaformal. Semi formal or smart casual kapag nagbibigay ako ng talk sa mga universities or companies."

Ganunpaman, tila hindi pa rin nagpaawat ang netizen dahil sa mga natanggap na pang-ba-bash mula sa ibang followers ni Neri.

"Dami mong epal na fans neri! Saan ba galing yang mga yan sa iskwater!"

Sa pagkakataong ito, ang asawa na ni Neri na si Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda na ang nag-reply rito.

"@tully_venom2654 sorry po pero your comments and how you reply actually say more about you than what you are trying to say and what you are commenting on."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Radio DJ shows messages of Nadine after he got bashed for his controversial words about James

Radio DJ shows messages of Nadine after he got bashed for his controversial words about James

Radio DJ shows messages of Nadine Lustre after he aired controversial words about James Reid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel