Mayor Isko Moreno, ayaw sa "photobomber"! Netizens nag-react

Mayor Isko Moreno, ayaw sa "photobomber"! Netizens nag-react

-Hindi sang-ayon si Manila Mayor Isko Moreno sa mga "photobomber" na itatayo malapit sa mga heritage places sa Maynila

-Ito ang kanyang binigyang-diin matapos na makarating sa kanya na mayroong bagong gusali na itatayo sa likod ng Quiapo church

-Anito, pinoprotektahan lamang nila ang mga natitirang bahagi ng Maynila na may kinalaman sa ating kasaysayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa panayam sa bagong halal na alkalde ng Maynila na si Isko Moreno kamakailan lamang, binigyang-diin nito na hindi siya pabor sa mga "photobomber".

Tinutukoy ni Mayor Isko ang mga imprastaktura o mga establisyemento na nakakasira sa view ng mga heritage places sa Maynila.

Partikular niyang tinukoy ang isang gusali na pina-planong itayo sa likod ng Quiapo church.

"Ang unang application 9, tapos naging 12, tapos ngayon gagawin nang 37. Buti na lang di pa nafi-finalize, ang nabigyan ng permit sa nuebe, ngayon dinidiscuss yung dose, pero yung trenta'y siete hindi ata katanggap-tanggap yun," paliwanag ng alkalde.

Sabi pa ni Moreno, nais lamang nilang protektahan ang mga natitirang lugar sa Maynila na nagsisilbing alaala ng mga Pilipino sa ating makulay na kasaysayan.

"Minsan nang nag-alimpuyo ang damdamin ng tao sa mga photobomber issue. Kami nag-iingat. At the same time we are trying to fulfill our commitment in protecting the remaining heritage of the City of Manila," anito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Dapat kasi yung katamtaman lang. At kung meron man, as a matter of commitment, pwede naming baguhin sa Konseho ng Manila ang zoning just to protect our heritage," dagdag pa nito.

Umani naman ito ng mga papuri mula sa mga netizens.

"'Yan ang good example na leader work hard.good job Mayor."

"Wow...big Wow totoong pagBabago!!"

"Aba. . tama at may sense ah. . unlike yung sa nag allow ng torre de manila."

"Congrats to Manila! Your Mayor studies and is well read...he anticipates future problems."

"Naku mayor sana noon kapa naging mayor God bless you mayor."

"I’m so excited for manila. good choice Manileños."

"I like the guts of this Mayor. It's so easy to decide for a leader when his vision is clear and genuine. Keep it up."

Narito ang naging panayam kay Mayor Isko ng ilang miyembro ng media mula sa News5 Facebook page:

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, matapos manumpa sa tungkulin kamakailan ni Mayor Isko, agad nitong inaksyunan ang problema sa ilang lugar sa Maynila katulad ng Divisoria at Carriedo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, binansagang 'Salamat Dok' ang bagong 'Darna' na si Jane de Leon

Netizens, binansagang 'Salamat Dok' ang bagong 'Darna' na si Jane de Leon

Netizens, tinawag na 'Salamat Dok' ang bagong 'Darna' na si Jane de Leon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel