59-anyos na ina at padyak driver, namamasada parin para sa pamilyang nakatira lamang sa 'silong'

59-anyos na ina at padyak driver, namamasada parin para sa pamilyang nakatira lamang sa 'silong'

- Pamamasada ang kinabubuhay ng 59-anyos na si Beth Agripa

- Biyuda na siya at mag-isa siyang nagtataguyod sa mga anak na nag-aaral at ang isa naman ay may sakit sa pag-iisip

- Nakadagdag pa sa kanilang pasanin ang kawalan ng matitirahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng programang Brigada ang nakakadurog ng pusong kalagayan ni Beth Agripa kasama ang kanyang mga anak na nakatira lamang sa ilalim ng tulay sa Sta. Mesa o mas kilala sa tawag na 'silong.'

Nalaman ng KAMI na isang padyak driver si nanay Beth at ito ang pangunahing hanapbuhay niya para maitaguyod ang kanyang mga anak.

Biyuda na kasi siya at may dalawang mga anak na tinataguyod.

Ang panganay niya na si Raymond ay 30-anyos na ngunit may sakit sa pag-iisip. Ang isa naman ay nag-aaral pa at nasa ika-7 baitang na.

Umaabot sa ₱400 ang kinikita ni nanay Beth sa pamamasada.

Bukod sa pagiging padyak driver, naglilinis din siya ng mga bahay at kumikita siya roon ng ₱300.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakadagdag sa hirap ng kanilang sitwasyon ang kawalan nila ng maayos na tirahan.

Dati raw silang nangungupahan sa murang halaga ngunit napagdesisyunan ng may-ari na ibenta na ang lugar.

Kaya naman ang ilalim ng tulay ang nagsilbing tahanan nilang mag-iina.

Habang nasa paaralan ang isang anak ni nanay Beth at siya naman ay naghahanapbuhay, napipilitan siyang i-kadena ang panganay na anak dahil madalas na raw itong mawala.

Labag man sa kanyang kalooban ngunit mas mainam na raw ito kaysa naman tuluyang mawala ang anak lalo na at natututo na itong sumakay sa jeep.

Wala nang ibang hangad ang ina kundi ang ikabubuti ng mga anak. Kaya naman dalangin niya na huwag sana siyang mawala habang nabubuhay pa ang anak na si Raymond dahil baka wala raw mag-intindi rito.

Sadyang kahanga-hanga ang katatagan na pinakikita ni nanay Beth, masuportahan lamang ang kanyang minamahal na mga anak.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: School Program Questions We Bet You Can't Answer | HumanMeter

Simple science questions from school program? Well, let's see how simple they are!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel