Palaboy na nagsauli ng wallet, nabiyayaan ng tirahan at trabaho

Palaboy na nagsauli ng wallet, nabiyayaan ng tirahan at trabaho

-Nabiyayaan ng matitirahan at trabaho ang isang palaboy dahil sa kanyang katapatan

- Sa pagsasauli niya ng malaking halaga ng pera na laman ng wallet na kanyang napulot, napalitan din ito ng napakagandang biyaya

- Marami ang humanga sa lalaking ito dahil kahit gaano pa niya kailangan ang napulot na pera, di niya ito inangkin sa simpleng dahilan na hindi raw ito sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na kahanga-hanga ang ginawa ng isang lalaking palaboy na nakilalang si Waralop dahil sa pagsasauli nito ng malaking halaga ng salaping napulot lamang niya.

Ayon sa Coconuts, halos isang taon nang natutulog si Waralop sa may MRT station sa Huai Kwang, Thailand nang mapulot nito ang wallet ni Nitty Pongkriangyos.

Sabi pa ni Waralop, sinauli niya ang wallet sa kadahilanang hindi raw ito sa kanya.

Nang malaman ng may-ari na walang tirahan ang dating palaboy, ginantimpalaan niya ito ng trabaho at matitirahan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

May-ari pala ng steel factory ang may-ari ng wallet kaya naman agad niyang nabigyan ng trabaho si Waralop.

Pinamili rin siya ng mga damit at iba pang kagamitan at pinatulog sa maayos na silid.

Patunay lamang ito na ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay masusuklian din ng kabutihan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: School Program Questions We Bet You Can't Answer | HumanMeter

Simple science questions from school program? Well, let's see how simple they are!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel