'Hipon' Herlene, ikinuwento ang kaginhawaan sa buhay dahil sa Wowowin

'Hipon' Herlene, ikinuwento ang kaginhawaan sa buhay dahil sa Wowowin

- Ikinuwento ni 'Hipon' Herlene ang kaginhawaan sa buhay dahil sa Wowowin

- Ngayon daw, siya na ang bumibili ng bigas kuwento pa niya kay Willie Revillame

- Kung dati raw isang kilo lang ang binibili nila, isang kaban na daw ngayon

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Trending na naman ngayon si 'Hipon' Herlene dahil ikinuwento niya kay Willie Revillame ang kaginhawaan sa buhay na tinatamasa ng pamilya niya ngayon simula ng naging co-host siya sa Wowowin at spotted ito ng KAMI.

Sa isang episode ng Wowowin, tinanong ni Kuya Wil si 'Hipon' Herlene kung kumusta na raw ba ang buhay niya ngayon.

Dito ay ikinuwento niya ang tungkol sa pagbili nila ng bigas.

Ani pa ng bagong Pinoy viral sensation ay kung dati isang kilo lang daw na bigas ang binibili nila, isang kaban na raw ngayon.

At mas nakakatulong na raw siya sa pamilya ngayon.

Kaya naman nagpasalamat siya na nakabilang siya sa show ni Willie Revillame.

Nagbigay naman ng kanilang pagbati at paghanga ang mga netizens kay Herlene.

"Parang napaiyak si kuya Wil. Not scripted, she's real. I admire you so much miss Herlene."
"Basta tandaan mo lang na laging nakalapat sa lupa ang mga paa, Ms. Herlene, yan ang minahal ng mga supporters mo sa yo kaya sana huwag kang magbabago."
"Yan ang totoo sa buhay.....di ikinahihiya ang pagiging walang-wala sa buhay...."
"Kaway kaway mga Squammy jan!"
"Kaya ka bini-blessed dahil mabait ka."

Bago nito, pinag-usapan rin sa online world ang pagpapakitang gilas ni trending 'Hipon' Herlene sa biritan at aktingan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel