Mommy D, nag-ala boxing coach sa laban ng apo na si Jimuel Pacquiao

Mommy D, nag-ala boxing coach sa laban ng apo na si Jimuel Pacquiao

- Nag-ala boxing coach si Mommy D sa laban ng apo na si Jimuel Pacquiao

- Pinag-uusapan ngayon ang isang video na pinost ni Dyan Castillejo sa socmed

- Sobrang aliw ng mga netizens kaya bumuhos ang kanilang mga komento

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naagaw ang pansin ng KAMI sa isang nakakaaliw na video kung saan bida si Mommy D na nag-ala boxing coach sa laban ng apo na si Jimuel Pacquiao.

Isang video ang ibinahagi ni Dyan Castillejo sa kanyang Instagram account kung saan makikita si Mommy D na tinuturuan si Jimuel ng ilang tips bago sumabak sa bakbakan.

Pabahagi pa ng broadcaster:

"Mommy D is back ! Here she is in Muntinlupa giving tips to @pacquiao.emmanuel Jimuel before his fight .Mommy D says she supports Jimuel getting into boxing and understands that he wants the Pacquiao name to continue in the Sport. Mommy D has a lot to say about Thurman vs her son Manny . Will post that later"

Seryosong-seryoso si Mommy Dionisia sa pagtuturo sa apo kung ano ang dapat gawin gaya ng tamang depensa at pag-cover.

Kaya naman aliw na aliw ang mga netizens at napa-react sa naturang video.

Narito ang ilan sa aming naispatan:

"Love how she is teaching her grandson"
"Mommy D knows best"
"Cover talaga mommy D!"
"Hahaha ang cute ni mommy D"
"Mommy D has got good defense"

Kamakailan, ibinahagi namin ang pag-welcome ni Jinkee Pacquiao sa ina ng kanyang mister na si Manny Pacquiao at lola ng kanyang mga anak na si Mommy D ang pagbisita muli sa kanilang mansyon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel