Tatay, matiyagang umaakyat ng bundok araw-araw para dalhan ng pagkain ang mga anak

Tatay, matiyagang umaakyat ng bundok araw-araw para dalhan ng pagkain ang mga anak

- Nakakadurog ng puso ang kwento ni tatay Arunting na matiyagang umaakyat ng bundok para pakainin ang mga anak na may 'special needs'

- Namamalimos muna siya upang may maibigay sa dalawang anak na walang ibang aasahan kundi siya

- Mabuti na lamang na may mga mabubuting tao na nagmalasakit pagawan sila ng bahay malapit na sa highway upang di na mahirapan ang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis na nakakadurog ng puso ang kalagayan ng isang ama na matiyagang umaakyat ng kabundukan araw-araw, para lamang masiguro na may kakainin ang kanyang mga anak na may 'special needs.'

Sa video na binahagi ni Frances Baena, makikita kung gaano ang hirap na nilalakad ng matandang si tatay Arunting na taga barangay Tiguib, Ayungon Negros Occidental.

Sa katandaan, di na nga raw nito maalala ang kanyang edad. Namamalimos na lamang ito o humihingi ng pagkain para lang may madala sa mga anak araw-araw.

Pumanaw na ang misis ni tatay Arunting kaya naman siya na ang nangangalaga sa mga anak na di naman niya kayang tiisin lalo na sa kanilang kalagayan.

Mapapansin din na dahil na rin sa kanyang edad, kinakailangang huminto pa sa paglalakad ang matanda dala marahil ng pagod sa pag-akyat.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mabuti na lamang at may mga taong nagmalasakit na tulungan si tatay Arunting.

Kasama ng Gawad Kalinga, napagawan ng bahay na mas malapit sa kapatagan ang mag-aama.

Makikita rin na malinis na ang dating madudungis na mga anak ni tatay Arunting.

Mababakas na rin ang mga ngiti sa mag-anak na ramdam ang tulong na ipinaabot sa kanila ng mga taong may ginintuang puso.

Ayon pa kay tatay Arunting, walang pagsidlan ng kaligayahan ang kanyang nadarama dahil sa biyayang ito para sa kanila ng kanyang mga anak.

Wala raw siyang ibang balak gawin kundi ang bigyan ng kalinga ang dalawang anak na walang ibang aasahan kundi siya. Ito raw kasi ang nararapat na gawin ng isang magulang na tulad niya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: School Program Questions We Bet You Can't Answer | HumanMeter

Simple science questions from school program? Well, let's see how simple they are!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel