Divisoria at Carriedo sa Maynila, may bagong anyo na

Divisoria at Carriedo sa Maynila, may bagong anyo na

-Maaliwalas at malinis nang masasabi ang dalawa sa pinakamasisikip na lugar sa Maynila ngayon

-Ito ay matapos ipag-utos ni Mayor Isko Moreno ang 48-hour clearing and obstruction operation sa ilang lugar sa Maynila

-Usap-usapan at talaga namang viral ngayon ang malaking pagbabagong ito sa Maynila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Taliwas sa nakasanayan na ng marami, ibang-iba na nga ang Divisoria at Carriedo ngayon matapos ang ini-utos na 48 hour clearing and obstruction operation ni Mayor Isko Moreno.

Dati nang ipinangako ng bagong mayor ng Maynila na lilinisin niya ang "dugyot" na lugar.

At wala pa ngang isang linggo mula nang manumpa ito sa tungkulin ay agad na nitong inumpisahan sa dalawang pinakamasisikip na lugar sa capital ng bansa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa ilang larawan at mga videos, makikita ang malaking ipinagbago ng dalawang nasabing lugar.

Malinis at maaliwalas, walang mga vendors na sumasakop sa mga kalsada o nakaharang sa mga dadaanan.

Mapapansin rin ang mga asul na linya sa lugar na indikasyon na doon lamang maaaring pumwesto ang mga vendors. Malayo sa dating anyo ng mga ito.

Samantala, kamakailan lamang ay naaresto ang dalawang suspek na huli sa akto habang naniningil sa mga vendors.

Inamin ng mga ito na umaabot sa milyon ang nakokolekta nila sa mga vendors sa Blumentrit pa lamang kada linggo.

Sa isa pang ulat ng KAMI, una nang sinabi ni Mayor Isko na masasabing tumanggap siya ng "lagay" kapag muling napuno ang mga lugar na kanyang nilinis katulad ng Divisoria.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel