Netizen, isiniwalat ang di umano'y panloloko ng nagpapanggap na taga-bangko

Netizen, isiniwalat ang di umano'y panloloko ng nagpapanggap na taga-bangko

- Binahagi ng isang netizen ang di umano'y panloloko ng nagpakilalang ahente ng BPI

- Mabuti na lamang at alerto ang netizen na hindi nakapagbigay ng anumang hinihinging impormasyon ng nagpakilalang ahente

- Nang mabisto, nagawa pang murahin ng nagpakilalang ahente ang kliyente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang tweet ng netizen na si Vener Quiogue kung saan buong tapang niyang isiniwalat ang di umano'y panloloko sa kanya ng nagpakilalang ahente ng Bank of the Philippine Islands o BPI.

Kwento ni Vener, nakatanggap siya ng tawag na mula sa numerong pang-cellphone.

Nalaman ng KAMI na nagpakilala ang lalaki na si Alex, isang ahente ng BPI.

Nais lamang daw kumpirmahin ni 'Alex' kung si Vener nga ang may-ari ng card na tinutukoy.

Nagsimulang magduda si Vener nang tanungin na siya ng impormasyon gaya ng last "8 digits" ng card. Maging ang tatlong numero na nasa likod ng card ay hinihingi rin ng ahente.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Doon naisipan na raw ni Vener na ibaba ang telepono upang maputol na ang usapan.

Ngunit nagtext pa rin ito at muling kinulit si Vener tungkol sa sinasabi nitong "tracker number."

Dito tahasang sinabi na ng netizen ang "Alam niyo kuya, madaming trabaho kaysa nanloloko kayo ng ibang tao..."

Laking gulat ni Vener nang sumagot ang "ahente" na may kasamang pagmumura.

Ayon kay Vener, magsilbing babala ito sa mga may mga gamit na credit man o debit card.

Huwag basta-basta maniwala sa mga ganitong klaseng modus.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: School Program Questions We Bet You Can't Answer | HumanMeter

Simple science questions from school program? Well, let's see how simple they are!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pokwang channels her inner 'Darna' in viral IG post

Pokwang channels her inner 'Darna' in viral IG post

Pokwang channels her inner 'Darna' in viral IG post
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel