Nakakatuwang panggagaya ng batang babae sa cast ng 'Kadenang ginto', viral

Nakakatuwang panggagaya ng batang babae sa cast ng 'Kadenang ginto', viral

- Muling nag-viral ang video ng batang babae na ginagaya ang mga tauhan sa 'Kadenang Ginto'

- Mas marami ang naaliw sa video dahil sa may subtitle na ito

- Di man daw nauunawaan ng mga netizens ang sinasabi ng bata, good vibes pa rin ang hatid nito sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nabuhay ang video ng batang babae na gumagaya sa cast ng sikat na teleserye sa hapon, ang 'Kadenang Ginto.'

Sa post na binahagi ng netizen na si Nixus Tyrone Aguilera II, mapapansing mayroon na ring subtitle ang video na minsan nang nag-viral dahil sa pamosong linya ng bata na "You do note me, Cassie...you do note"

Nakakaaliw pa lalo ang caption ng video na "I'ms talking about Cassie! Naintindihan ko na talaga siya nuong nilagyan ko ng subtitle..."

Minsan nang naibahagi ng KAMI ang video na ito ng batang babae na napakahusay sa pag-arte at panggagaya sa mga tauhan ng 'Kadena' lalo na kina Cassie at Marga.

Samantala, lalo raw naaliw ang mga netizens na dati nang napanood ang video na ito dahil sa mga subtitles.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga nakakaaliw nilang mga komento:

"Meron ng subtitle, sa wakas baka sakaling maintindihan ko na, haha"
"Di ko kinaya, mamamatay ako sa kakatawa. the best ka girl!"
"Naiiyak ako sa sobrang tuwa, more vids pa ate"
"Panalo lalo sa subtitle...understandable na siya"
"Omg, eto na naman siya! nakakaloka..."

Umabot na sa 412,000 views at halos 14,000 shares ang nakaka-good vibes na video na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: School Program Questions We Bet You Can't Answer | HumanMeter

Simple science questions from school program? Well, let's see how simple they are!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel