Kris Aquino, sinagot ang tanong tungkol sa pagpalit sa kanya bilang endorser

Kris Aquino, sinagot ang tanong tungkol sa pagpalit sa kanya bilang endorser

- Marami ang nakapansin sa bagong patalastas sa telebisyon kung saan si Lea Salonga ang endorser

- Naitanong ng isang netizen kay Kris Aquino ang tungkol sa bagay na ito

- Ibinahagi naman ni Kris na may bagong mga endorsements siya at nagpapasalamat siya para dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kilalang endorser ng isang sabong panlaba si Kris Aquino sa loob ng maraming taon. Gayunpaman, kamakailan ay marami ang nagtaka kung bakit iba na ang nag-eendorso ng kilalang brand ng sabong panlaba.

Sa isang Instagram post ni Kris ay isang netizen ang nagtanong kung binitawan na siya ng produktong dati niyang ini-endorso.

Sinagot siya ni Kris na malaki ang kanyang pasasalamat sa lahat ng biyayang natanggap niya at marami daw siyang mga bagong endorsements.

Kris, sinagot ang tanong tungkol sa pagpalit sa kanya bilang endorser

Kris, sinagot ang tanong tungkol sa pagpalit sa kanya bilang endorser
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Inulan naman ito ng komento mula sa mga netizens. May mga pumuna sa naging sagot ni Kris na tila umano ay nagmamayabang ito na kahit hindi na siya ang endorser ng nasabing produkto ay marami pa rin kumukuha sa kanya.

Parang subtle shade at bragging na may bago at better siyang endorsements hahaha
paka yabang talga
Pwede naman sagutin ng yes or no! May explanation talaga at simpleng pagmamayabang. Very Krissy!

Gayunpaman, may mga naniniwla pa rin na si Kris ay isa sa pinaka-"credible" na endorser.

Anyway kahit ano pang sabihin nila kay Kris di pa rin ako magbabago mula noon hangga ngaun si Kris Aquino pa rin number 1 para sa.akin kahit wala na ako sa Pinas ngaun..
Kris still the top endorser off all time
Parang clarificatory lang naman tanong ng netizen. Umikot na naman sa gratitude sagot ni Kris. Hindi responsive. Diretsahang sagot na lang, yes hindi na ako endorser nf Ariel, period.

Si Kris Aquino ay binasagang Queen of all media. Naging talk show host, aktres at endorser ang anak ng yumaong dating pangulong Corazon Aquino at asawa nitong si Benigno "Ninoy" Aquino. Sa kasalukuyan, hindi na lumalabas sa telebisyon ang TV host, gayunpaman, namayagpag pa rin ang kanyang karera pagdating sa social media platform bilang influencer at endorser.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PINOY Tongue Twisters | Tricky Questions | HumanMeter

Human Meter hits the streets and asked random people to say these popular Pinoy tongue twisters. There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel