Slang na misis, 'di pinalagpas ni idol Raffy Tulfo

Slang na misis, 'di pinalagpas ni idol Raffy Tulfo

-Ipinakita muli ni Raffy Tulfo ang kanyang funny side sa isang episode ng kanyang programa

-Ang sikat na broadcast journalist kasi ay tila natuwa sa isang misis na inireklamo ng kanyang mister

-A kakaibang punto nito sa pananalita ng Tagalog, 'di naiwasang gayahin ni idol Raffy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng seryosong usapin ng mag-asawang Melchor at Germaine Bañez sa kanilang reklamo sa isa't-isa, tila napagaang ito ni Raffy Tulfo dahil sa kanyang sense of humor.

Sa isang episode kasi na in-upload ng News5Everywhere sa kanilang official Youtube account, inireklamo ni Melchor ang misis na nabuntis ng ibang lalaki.

Hindi na rin naman ito ikinaila ni Germaine at sa halip ay sinabi na lamang ang kanyang side ng kwento.

Napag-alaman din na matagal na palang hiwalay ang dalawa noon pang 2018 at nagkasundo na palang mag-kanya-kanya na.

Ngunit sa halip na mainit na away ang nangyari, naging "light" lamang ang kanilang usapan at mabilis na naresolba ang kanilang problema.

Sa isang bahagi pa ng kanilang paghaharap ay naitanong ni idol Raffy si misis kung bakit ito slang sa pananalita ng Tagalog.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dito na napag-alamang nagta-trabaho ito sa BPO industry. Ito na rin ang simula ng kanilang "magaang" na usapan.

Sa huli ay nagkasundo na lamang ang dalawa na hatiin ang mga pag-aari nila bilang mag-asawa at hindi na humantong pa sa korte.

Ngunit hiniling na rin ni mister na huwag nang mag-post pa sa social media si misis.

Nagawa pang alukin ni Tulfo ang dalawa ng bakasyon na sagot daw nito upang baka-sakali ay magka-ayos pa ang mga ito.

Ngunit pareho na lamang tumanggi ang dalawa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel