Good Samaritan, ibinenta ang wedding gown para tulungan ang baby na may sakit

Good Samaritan, ibinenta ang wedding gown para tulungan ang baby na may sakit

- Hindi nag-atubili ang isang babae na ibenta ang kanyang wedding gown para matulungan ang baby na nag-viral kamakailan lang

- Kumalat nito lamang ang larawan ng sanggol habang karga ng nanay nito na humihingi ng tulong para sa may sakit na bata

- Maraming netizens ang agad na nag-share ng post ng netizen na naging dahilan nang agad na pagkakabili sa wedding gown

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila "online bayanihan" ang nangyari kamakailan lang sa Facebook matapos isang netizen ang nag-post tungkol sa kanyang wedding gown.

Ang itinuturing na good Samaritan na si Leigh Kris, hindi nag-atubiling ibenta ang kanyang wedding gown para tulungan ang isang batang may malubhang karamdaman.

Matapos na mag-viral kamakailan lamang ang larawan ng mag-inang sina Mbj Villanueva Santos-Lutcha at baby Zuan, naisip ni Kris na makakatulong ang perang mapagbebentahan ng kanyang wedding gown.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At ayon pa rito, ang mapagbebentahan ay mapupunta lahat para sa pagpapagamot ni baby Zuan.

Umani ito ng maraming likes at shares mula sa mga netizens na nais na tumulong para sa bata.

At sa maikling panahon ay agad na naibenta ang wedding gown ni Kris ayon na rin sa update nito sa kanyang Facebook post.

Marahil, ang traje de boda ang isa sa pinakamahalagang bagay na maaaring itago ng isang babae bilang alaala sa kanyang kasal.

Ngunit para kay Kris, mas matimbang pa rin ang pangangailangan ng isang musmos na inosenteng lumalaban para sa kanyang buhay.

Hangad ng KAMI ang paggaling ni baby Zuan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dimples Romana, ipinasilip ang biniling building sa kanyang social media

Dimples Romana, ipinasilip ang biniling building sa kanyang social media

Dimples Romana, ipinasilip ang biniling building sa social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel