Estudyante, nagkaroon ng 2 latin honors sa 2 kursong tinapos niya sa kolehiyo

Estudyante, nagkaroon ng 2 latin honors sa 2 kursong tinapos niya sa kolehiyo

- Hindi lang isa kung hindi dalawang beses nakapagtapos sa kolehiyo ang estudyanteng si Jason “TJ” Simeon

- Ngunit hindi pa dito natapos ang kanyang tagumpay dahil nakapagtapos siya na may mataas na parangal sa parehong kursong kinuha

- Maging ang mga eskwelahan na kanyang pinag-aralan ay pawang mga bigatin rin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa si Jason “TJ” Simeon sa 54 na estudyanteng nagtapos ng may karangalan mula sa University of the Philippines sa Diliman kamakailan lamang.

Nakamit ni TJ ang karangalang may sukdulang papuri sa UP sa kursong Civil Engineering.

Ngunit 'di lamang pala dito nagsimula ang kanyang tagumpay

Nagtapos si TJ sa kursong BS Management Engineering noong 2010 sa Ateneo de Manila University at nagkamit ng may dakilang papuri.

Ayon sa isang article ng Buzzooks, sinabi rito na bata pa lang si TJ ay consistent honor student na ito.

Kaya naman hindi na kataka-taka na nagtapos ito sa high school bilang valedictorian noong taong 2006.

Matapos nito ay naimbitahan itong makasali sa Ateneo Junior Summer Seminar program at nang makumpleto ito ay nabigyan ng automatic admission sa Ateneo de Manila University.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang makapagtapos na ito ay nagtrabaho na raw si TJ ngunit makalipas ang limang taon ay hinimok daw ito ng kanyang ama na isang engineer na muling mag-aral dahil na rin sa lumalaking demand sa construction industry.

“UP immediately came to mind because it was one of my what if’s back in Ateneo. I’ve always wondered how different my college life would be if I had chosen UP over Ateneo.

"And as the country’s premier state university, UP was the instant choice,” ani pa ni TJ.

Pag-amin pa nito, bagamat nakapagtapos siya ng may mataas na karangalang sa unang kursong kinuha ay hindi rin naman daw naging madali sa kanya ang lahat sa kanyang ikalawang pagsubok mag-aral.

Ngunit marahil dahil likas na matalino at pursigido ay nagawa pa nitong lagpasan ang unang tagumpay na nakamit.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mag-asawang may timbang na nasa 300-500 lbs., tinupad ang kanilang "new year's resolution"

Mag-asawang may timbang na nasa 300-500 lbs., tinupad ang kanilang "new year's resolution"

Mag-asawang may timbang na nasa 300-500 lbs., tinupad ang kanilang "new year's resolution"
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel