Idol Raffy, umalma sa tigas ng puso ni Nanay kahit pumanaw na ang anak na inireklamo niya

Idol Raffy, umalma sa tigas ng puso ni Nanay kahit pumanaw na ang anak na inireklamo niya

- Isang OFW ang dumulog sa Raffy Tulfo in Action at inireklamo ang pagbabanta ng anak sa kanya

- Pagkasunod na araw, ang anak niya ay naaksidente sa motor

- Nang mag-usap ang ina at ang manugang, napagtanto ni Idol na kinukunsinte ng ina ang pag-inom at kung ano pang ginagawa ng anak niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog si Gladdys Mallo, isang OFW galing sa Singapore, sa Raffy Tulfo in Action at isinumbong ang paninira ng manugang at pagbabanta ng anak niyang si Edmund sa kanya.

Nalaman ng KAMI na kinabukasan, naaksidente sa motor si Edmund, at ito'y nakainom.

Dahil wala na nga si Edmund, ninais na lang ni Idol na pagbatiin si Nanay Gladdys at ang kanyang manugang na si Mayflor.

Nang makapag-usap, napagtanto ni Idol na kinukunsinte pala ng ina ang mga ginagawa ng anak.

Binibigyan niya ito ng pera para pambili ng alak. May ilang beses din na ito'y nanghimasok na sa away mag-asawa.

Pinarangalan pa ni Idol si Nanay dahil ang panghihimasok ng mga biyenan ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nag-aaway at nagkakahiwalay ang mag-asawa.

Dahil sabi ni Nanay ay sinisiraan siya ng kanyang manugang, minabuti ni Idol na humingi ng tawad si Mayflor sa biyenan niya.

Ginawa naman ito ni Mayflor. Nag public apology siya kay Nanay pero hindi pa rin matanggap-tanggap ni Nanay.

Dito na umalma si Idol Raffy sa tigas ng puso ng ina ni Edmund.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel