Misis na labis utusan ang mister na gumawa ng gawaing bahay, arestado

Misis na labis utusan ang mister na gumawa ng gawaing bahay, arestado

- Arestado ang isang misis sa labis na pag-uutos sa kanyang mister na gumawa ng mga gawaing bahay

- Isa raw itong paglabag sa England kung saana ang sinumang magkakasala ay mapaparusahan

- Nagresulta ito sa dalawang taong restraining order sa asawa at nagpaplano na rin na maghiwalay ang dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Arestado ang isang misis sa England dahil umano sa pagiging nagger nito sa asawa upang gumawa ng mga gawaing bahay.

Ayon sa Inquirer, isa raw itong paglabag sa batas sa kanilang lugar na kung sinuman ang magkakasala ay mapaparusahan.

Sinasabing isa raw itong "controlling behavior" ng babae na naglilimita sa kanyang body builder na mister sa pagpunta nito sa gym dahil sa pananatili sa bahay para gawin ang mga gawaing bahay.

Nakilala ang misis na si Valerie Sanders na mayroon sanang trial noong Hunyo 25. Ngunit, naibasura na lamang ito nang ang isa sa mga key witnesses sa kaso ay umurong na.

Samantala, hindi naman pala ang mister nito ang nagpakulong sa misis. Nangyari lamang ito nang magkaroon ng inspeksyon ang JobCentre sa lugar kung saan nagtatrabaho ang lalaki.

Misis na labis utusan ang mister na gumawa ng gawaing bahay, arestado

source: shutterstock
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Doon napansin kasi ang kakaibang gawi nito ng pagiging iritable at doon niya nasabi ang ginagawa ng misis.

Ang isa sa staff mula sa JobCentre ang siyang nag-tip sa mga pulis na siyang naging dahilan ng pagkahuli kay Valerie.

“I was taken to the station and locked in a cell. I’ve never been in trouble. I was horrified. I felt like a criminal,” kwento ni Valerie sa The Sun.

Lumabas na "not guilty" ang misis ngunit dalawang taong may restraining order ito sa mister. Nilinaw na rin nilang dahil sa nangyari, nagdesisyon na silang maghiwalay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: School Program Questions We Bet You Can't Answer | HumanMeter

Simple science questions from school program? Well, let's see how simple they are!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel