Willie Revillame, spotted ang viral na pamimigay ng pera sa mga 'Kalye Boys'

Willie Revillame, spotted ang viral na pamimigay ng pera sa mga 'Kalye Boys'

- Spotted ang viral na pamimigay ni Willie Revillame ng pera sa mga 'Kalye Boys'

- Isang video ng naturang eksena ang pinag-uusapan ng netizens sa socmed ngayon

- Daan-daang libo na ang nakuha ng video na may pamagat na 'Kuya Wil with the Kalye Boys'

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan ng KAMI ang viral video ng pamimigay ni Willie Revillame ng pera sa mga tinatawag na 'Kalye Boys,' ayon pa sa caption ng naturang post.

Isinama raw ni Kuya Wil ang kanyang mga co-hosts, dancers, at staff sa kanyang trending show na Wowowin para ilibre umano silang lahat, mag-shopping at mag-dinner sa Makati, ayon pa sa balita ng gmanetwork.com.

At habang nasa kanilang lakad daw ang grupo ay nakasalubong nila ang mga bata sa kalsada at dito ay nagsimula na raw ang kulitan.

Hindi naman nagpapigil ang mga 'Kalye Boys' na magpakitang gilas sa pagkanta at pag-rap.

Bukod pa rito ay pinatunayan din ng mga bata na alam na alam nila ang show ni Willie sa Kapuso network.

Sa katunayan, ginaya pa nila ang mga linya ni Willie Revillame sa show at ginawa rin nila ang 'Hep Hep Hooray' na isa sa mga sikat na segment ng Wowowin.

Ang nasabing video ay kuha at pinost ng executive producer na si Adrian Gret na pinamagatang 'Kuya Wil with Kalye boys' at dinugtungan pa niya ng "Ang gagaling kumanta ng mga bata!"

Umuwi naman ang mga bata na masaya dahil binigyan sila ni Willie ng pera.

Kamakailan, nakita rin ni Willie Revillame si Janno Gibbs sa isang boutique sa isang mall at binigyan din niya ng regalo, ayon na rin sa kuwento ng singer.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel