Netizens, kinagiliwan ang pangalan ng empleyado ng Mang Inasal

Netizens, kinagiliwan ang pangalan ng empleyado ng Mang Inasal

- Tuwang-tuwa ang mga netizens sa pangalan ng empleyado na nagtatrabaho sa Mang Inasal

- Ayon pa sa caption di raw dapat ito nagtatrabaho roon at sa ibang sikat na fast food chain

- Habang ang ilan ay natuwa, may ilan din namang nagsabi na dapat di raw ito ginawa sa empleyado nang walang paalam

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naaliw ang mga netizens sa ngayo'y viral post na ni Long Mejia kung saan binahagi niya ang larawan ng empleyado ng Mang Inasal.

Aakalain sa unang tingin na isa lamang itong ordinaryong post na may mga larawan. Ngunit dahil sa caption na "Yung sa Mang Inasal ka nagtatrabaho, Pero ..." mapapaisip muna ang makakakita.

Nalaman ng KAMI na iyon pala, "Jolivie" ang nasa nameplate ng babae na katunog ng isa pang fast food chain na "Jollibee".

Napangiti raw talaga ang mga netizens na nakakita ng simpleng post na ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga naging reaksyon ng netizens:

"Mas masaya kung sa McDo siya nagwork para "hi! welcome to McDonald's im Jolivie..." ganun dapat para masaya"
"Manager nyan si Mang Donald... haha"
"hahaha! accepted na yan Long iisa na may-ari."
"Hahahhaha sa mang inasal nag tatrabaho pero pangalan nya jolivie katunog nang jollibee"
"pa-good vibes lang naman... napangiti ka nga e, aminin!"

Samantala, may ilang netizens din naman ang nagsabi na di raw sana pinagkatuwaan ang pangalan ng babae gayung pinakita pa raw ang mukha nito.

Narito ang ilan sa mga nilabas nilang saloobin:

"Makapag patawa ka lng wala ka na inisip na mapapahiya yung tao"
"Pati pangalan ng tao inintriga pa wla magawa sa buhay"
"Ndi nakakatawa, Respeto nmn jan, Sana tinakpan man lng ung face nung girl"

Gayunpaman, gaya nga ng isa sa mga komento ng netizens, ito'y pampa-good vibes lamang na tiyak na nakapagbigay din ng ngiti sa mga nakakita ng post na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: School Program Questions We Bet You Can't Answer | HumanMeter

Simple science questions from school program? Well, let's see how simple they are!

Source: Kami.com.ph

Related news
Zsa Zsa Padilla, super enjoy at happy sa kanyang farm life sa Casa Esperanza

Zsa Zsa Padilla, super enjoy at happy sa kanyang farm life sa Casa Esperanza

Zsa Zsa Padilla, super enjoy at happy sa kanyang farm life sa Casa Esperanza
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel