Kwento ng customer ng McDo na nagbayad gamit ang naipong 25 sentimo, viral

Kwento ng customer ng McDo na nagbayad gamit ang naipong 25 sentimo, viral

- Viral ang post tungkol sa naging customer ng McDonald's na nagbayad ng naipon niyang mga bente singko sentimos

- Binahagi ng manager ng McDo ang kwento ng customer na si Joy Anne Montilla

- Umani ng positibong reaksyon ang ginawa na iton ng customer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang ginawa ng isang customer sa McDonald's.

Binahagi ng manager na si Justine Soriano ang kwento ng naging customer nila na si Joy Anne Montilla.

Humanga ang manager kay Joy Anne dahil nagawa nitong ipunin ang mga 25 sentimos para lamang daw makakain siya sa McDonald's.

Kwento pa ng customer, dati raw siyang barker sa jeep at noon pa ma'y nakagawian na niyang mamulot ng barya.

Kalaunan, naging konduktor naman siya ng Dela Rosa bus liner at patuloy parin siyang namulot ng mga bente y singko sentimos.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Fan daw siya nina Maine Mendoza at Alden Richards na minsan nang naging endorsers ng McDo.

Tinanggap naman nina Justin ang binayad ni Joy Anne at sinabi nilang umupo muna ito habang binibilang nila ang mga barya.

Hindi pumayag si Joy Anne at hinintay talaga niyang mabilang muna ang mga baryang kanyang binayad. Umabot sa ₱125 ang barya na saktong pinambayad niya sa kayang kinain.

Natunaw naman ang puso ng manager dahil anim na buwan pang pinag-ipunan ni Joy ang ipinangkain niya sa McDo.

Maging ang mga netizens ay napabilib sa ginawa na ito ni Joy Ann. Patunay lamang ito na kung may bagay kang nais makamit, nararapat lamang na ito ay iyong paghirapan at mapapasaiyo rin ito sa takdang panahon.

Must end with a letter, digits, period, question or exclamation mark, closing quote or bracket.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: School Program Questions We Bet You Can't Answer | HumanMeter

Simple science questions from school program? Well, let's see how simple they are!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel