Fresh grad, natupad ang hiling na 'lapida' bilang regalo sa kanyang pagtatapos

Fresh grad, natupad ang hiling na 'lapida' bilang regalo sa kanyang pagtatapos

- Kakaiba ang regalong hiniling ng UPLB graduate na si Mac Andre Arboleda

- Mas pinili niya ang lapida kaysa tarpaulin dahil mas matibay ito at kakaiba

- Maari pa raw itong patungan ng kanyang laptop

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natupad ang hiling ng BS Development Communication graduate ng UP Los Baños na si Mac Andre Arboleda na magkaroon ng lapida bilang graduation gift.

Ayon sa ulat ng GMA Balitambayan, ito raw talaga ang mas gusto ni Mac kumpara sa pagkakaroon ng tarpaulin ka pangkaraniwan na sa mga nagsisipagtapos ng kolehiyo.

Dagdag pa ni Mac, maganda raw itong remembrance sa walong taon niyang pag-aaral sa kolehiyo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Game na game naman ang kanyang mga magulang na di nagdalawang isip na ibigay ang kahilingan ni Mac.

Kwento pa ni Mac, sa Facebook lamang niya pinadala ang mensahe sa kanyang magulang tungkol sa nais niyang matanggap bilang regalo.

Katunayan, thumbs up lamang ang sagot ng ina na tinupad naman ang kahilingan ng anak.

Naisip din ng fresh grad na maari pa niyang patungan ng laptop ang lapida.

Umabot sa 5,000 reactions at 1,500 na shares ang naturang post ni Mac.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: School Program Questions We Bet You Can't Answer | HumanMeter

Simple science questions from school program? Well, let's see how simple they are!

Source: Kami.com.ph

Related news
Titser, pinasan ang estudyanteng may sugat at lumusong sa baha

Titser, pinasan ang estudyanteng may sugat at lumusong sa baha

Titser, lumusong sa baha na pasan ang estudyanteng may sugat
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel