Palengke sa Bataan, mas mukha nang mall sa sorang linis at ganda

Palengke sa Bataan, mas mukha nang mall sa sorang linis at ganda

- Mas mukha pa raw mall ang bagong bukas na Limay Public Market sa Bataan

- Dahil sa linis at ganda ng disenyo nito, mas mapapagkamalan pa raw itong mall

- Viral ang post na ito at karamihan ng netizens ay nais magkaroon ng ganitong klaseng palengke sa kanilang lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang post ng netizen na si Mark Anthony Muico Millare kung saan binahagi niya ang larawan ng bagong gawa at bagong bukas na Limay Public Market sa Bataan.

Malinis at maganda ang disenyo ng palengke na mas malapit na raw tuloy sa itsura ng isang mall.

Maging ang sahig at mga ilaw ng palengke ay malayo sa tipikal nitong itsura kaya naman labis na kaaya-aya itong tingnan at puntahan.

Kung di lang dahil sa mga pwestong yari sa tiles na disenyo para sa basang paninda tulad ng isda, di mo talaga aakalaing isa pa la itong palengke.

Bukod pa rito, magkakaron din ng food court sa isang bahagi ng pamilihan upang may kainan ang mga mamimili.

Dahil dito, di maiwasang mamangha at mainggit ng ilang netizens na nag nais na magkaroon ng ganitong klaseng palengke sa kanilang lugar.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon:

"Wow! sana all... gaganhaan na ako mamalengke mama pag ganito kaganda"
"Mahihiya kang magdumi dito kung may pwesto ka!"
"Mas malapit yung itsura niya sa mall kesa market"
"Ang galing ng nakaisip nito, sa amin kaya??"
"Sana lahat ng palengke sa bansa ganito, para di nakakatamad puntahan"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: School Program Questions We Bet You Can't Answer | HumanMeter

Simple science questions from school program? Well, let's see how simple they are!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mag-asawang may timbang na nasa 300-500 lbs., tinupad ang kanilang "new year's resolution"

Mag-asawang may timbang na nasa 300-500 lbs., tinupad ang kanilang "new year's resolution"

Mag-asawang may timbang na nasa 300-500 lbs., tinupad ang kanilang "new year's resolution"
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel