Pasahero sa jeep, di nag-atubiling tulungan ang isang misis na papuntang ospital para manganak

Pasahero sa jeep, di nag-atubiling tulungan ang isang misis na papuntang ospital para manganak

- Isang pasahero sa jeep ang naging "good Samaritan" sa isang mag-asawa kung saan ang misis ay manganganak na

- Binigyan niya sila ng P1500 para makatulong sa gastusin sa ospital

- Bukod dito, binigay niya ang kanyang cellphone number sa mag-asawa upang siya'y makontak kung sakaling kailangan nila ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang pasahero sa jeep ang labis na hinangaan ng maraming netizens.

Nalaman ng KAMI na tinulungan ng di nakilalang lalake ang isang mag-asawa na nakasakayan niya sa jeep.

Una'y binigyan niya ng P500 ang batang iyak nang iyak, para may pambili sila ng pagkain para sa kanya.

Nang mapansing ngumingiwi na ang babae dahil sa pag-labor, dinagdagan niya ito ng P1000 upang makatulong sa kanila.

Hindi rin siya nag-atubiling ibigay ang kanyang cellphone number sa mag-asawa para kung sakali may kakailanganin sila ay makakatulong siya sa kanila.

Ayon sa post ni Khen Pili, nasaksihan niya ang lahat ng ito noong June 28, sa isang jeep sa Lipa, Batangas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Humanga ang maraming netizens sa kabutihang-loob na ipinakita ni kuya.

Godbless kuya saludo kmi sau.
Kung anoman isipin at sbhn nla wla nmn cla naitulong kw ang ngbgy nde ikw ang nwlan dba ...
..bait nman ..ilan pa kya gnyang tao ..god bless kuya ..qng cnu ka man
Saludo ako kabutihan m, pagpalain ka pang lalo ni Lord,
God blessed sau I hope na marami pang katulad mo
Sir subrang taba Ng puso mo saludo ako sayu. Sana patuloy pang dumanak ang grasya sayu

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel