UP graduate, umeksena ala "Blackpink" sa entablado matapos kunin ang diploma

UP graduate, umeksena ala "Blackpink" sa entablado matapos kunin ang diploma

- Viral ang post ng isang UP graduate na sumayaw ng "Kill this Love" ng Blackpink matapos makuha ang kanyang diploma

- May pagka-boring daw ang seremonya kaya naisipan niyang "umeksena"

- Naisipan niya rin daw itong gawin dahil sa labis na kasiyahan niya at nakapagtapos na rin siya sa pag-aaral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena talaga ang ginawa ng University of the Philippines graduate na si Jose Dorado III kung saan napasayaw siya ng dance steps ng "Kill this Love" ng Blackpink matapos niyang tumanggap ng diploma ng pagtatapos noong Hunyo 29.

Sa video na binahagi mismo ng estudyanteng mas kilala sa tawag na "Dora", makikita kung paano siya humataw ala Blackpink bago bumaba sa stage. Matapos ang dance moves, nakuha pa niyang umikot na parang contestant ng beauty contest bago tuluyang lisanin ang entablado.

Sa panayam ng Inquirer kay Dora, nagawa lamang daw niya ito dahil sobrang boring na ng seremonya.

“The ceremony was getting a bit dull because of all the prior speeches. I was 7th to walk so I just wanted to do something fun!!! Also I really wanted to celebrate cause I’ve been really looking forward to graduation," kwento ng UP graduate.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nalaman ng KAMI na ang kapatid na babae pala ni Dora ang kumuha ng ngayo'y viral video na.

Di rin daw niya inaasahan na sa loob lamang ng isang oras mula nang kanya itong i-post ay agad na papalo sa nasa 115,000 views ang kanyang nakaka-good vibes na video.

Ngayon, nasa mahigit 1.2 million views na ito sa dami ng natuwa sa ginawa ni Dora.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: School Program Questions We Bet You Can't Answer | HumanMeter

Simple science questions from school program? Well, let's see how simple they are!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel