Video edit kay James Reid bilang Manny Pacquiao, kinagiliwan ng mga netizens

Video edit kay James Reid bilang Manny Pacquiao, kinagiliwan ng mga netizens

- Viral ngayon ang video ni James Reid na ginawang Manny Pacquiao sa Idol Philippines

- Tuwang-tuwa ang mga netizens dahil sa husay ng pagkaka-edit na parang si Pacman talaga ang gumagalaw at nagsasalita

- Sa loob lamang ng 24 oras mula nang i-upload ang video, pumalo na sa mahigit 1.7 million ang views nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa viral video ni James Reid na ginawang si Senator Manny Pacquiao sa Idol Philippines.

Binahagi ng Facebook page na si Eh Nani ang nakakatuwang video kung saan parang si Pacman nga ang nasa Idol Philippines imbis na si James Reid.

Nakakaaliw panoorin ang video dahil sa husay ng pagkaka-edit nito. Bawat galaw at pagsasalita, aakalain talagang si Senator Manny ang nasa Idol Philippines.

Kaya naman sa loob lamang ng halos 24 oras mula nang ma-upload ang video, umabot na agad sa mahigit 1.7 million views ang "laugh trip" video na ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Umani ito ng samu't-saring nakakatuwang reaksyon mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa mga iyon:

"Ang galing! parang si Pacman nga!"
"Mahusay ang nag-edit, paturo nga po!"
"Good vibes lang! nakakaaliw naman talaga...aminin niya natawa rin kayo!"
"Hahahaha. kung di mo alam na si james Reid to, akalo mo si Pacman nga talaga"

Samantala, may ilan din namang til di nagustuhan ang paggamit ng mukha ng senador at kinikilalang isa sa mga "greatest boxers" ng mundo. Narito ang ilan sa kanilang mga opinyon:

"Wala talagang kwenta mgs tao sa pinas, walang galang. Sa USA manny is respected. While here in his own country he is mocked by his own people. Pag panget ka kahit na subra2ng karangalan binigay mo sa bayan gagawin kalang kakatawanan."
"Lupet ng nag edit lodi, ..but dis is foul ,manny is our senator and he deserved to be respect isa pa nagbigay siya ng karangalan sa bansa natin"
"Wala kwenta. Wag nyo gawin yan s nagbigay ng karangalan sa pinas. Mga hayop kyo. Kala nyo napakaganda ng mga hitsura nyo"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: School Program Questions We Bet You Can't Answer | HumanMeter

Simple science questions from school program? Well, let's see how simple they are!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel