Pagsalo ng teenager sa sanggol na nahulog sa bintana, sapul sa video

Pagsalo ng teenager sa sanggol na nahulog sa bintana, sapul sa video

- Sapul sa video ang aktwal na pagsalo ng isang 17-anyos na lalaki sa sanggol na nahulog sa may bintana

- Naglalaro raw sa may bintana ang dalawang taong gulang na batang babae nang aksidente itong mahulog

- Maayos ang pagkakasalo ng binatilyo sa bata kaya naman ito ay ligtas sa kapahamakan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang video ng aktwal na pagsalo ng isang 17-anyos na lalaking si Fawzi Zabaat sa dalawang taong gulang na batang babae sa Istanbul.

Ayon sa ABS-CBN, naglalakad daw noon si Fawzi nang makita ang alanganing puwesto ng bata na naglalaro sa may bintana ng kanilang apartment .

Inalertuhan niya agad ang mga taong nasa paligid na lumayo sa maaring bagsakan ng sanggol dahil na rin sa planong pagsalo niya rito.

Di nagtagal, nahulog nga ang sanggol na maayos na nasalo ni Fawzi.

Nailayo sa anumang kapahamakan ang bata dahil sa pagmamalasakit ng binatilyo.

Maituturing na kabayanihan ang ginawa ni Fawzi dahil kung di siya huminto para saluhin ang sanggol, matindi ang magiging pinsala nito o ang malala, maari pa niya itong ikamatay.

Narito ang video ng insidente na nakuha ng KAMI sa YouTube.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Namangha naman ang mga netizens sa ginawa ni Fawzi kaya naman umani rin siya sa ng papuri dahil sa pagsagip sa walang malay na bata. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"What a heroic catch. where is the parents / who ever is up there… doing?!?!?"
"this man should be given award or some cash incentive .. or any privilege . he deserves it"
"Wow thanks sa angel na sumalo sa kanya god bless po"
"Bayani ka Sa ginawa mo Christ king Jesus safe and save amen pag palain ka ni Lord Sa ginawa mo Bayani ka"
"Wow nakkakilabot.. napaka buti ni lord."
"Haist madami case sa turkey n nahulog mga bata sa taas ng bahay.so sad nman ayaw nla taasan mga bakod sa terrace nla"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: School Program Questions We Bet You Can't Answer | HumanMeter

Simple science questions from school program? Well, let's see how simple they are!

Source: Kami.com.ph

Related news
Gerphil Flores gets married to long-time boyfriend at Manila Cathedral

Gerphil Flores gets married to long-time boyfriend at Manila Cathedral

Gerphil Flores gets married to long-time boyfriend at Manila Cathedral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel