Titser, hinimatay dahil nakita daw niya sa flag ceremony ang pumanaw na estudyante

Titser, hinimatay dahil nakita daw niya sa flag ceremony ang pumanaw na estudyante

- Isang titser ang napabalitang hinimatay dahil nakita raw niya ang estudyanteng namayapa na sa flag ceremony

- Ang nasabing estudyante ay namatay sa dengue noong June 17

- Dalawang araw pagkatapos pumanaw ng 10-anyos na bata, sinabi ng guro na nakita raw niya ito sa flag ceremony

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang titser ang hinimatay sa eskwelahan pagkatapos niya raw makita ang 10-anyos na si Ethan sa flag ceremony. Wala rin sigurong mali dito, kaya lang, si Ethan ay patay na.

Nalaman ng KAMI na namatay siya sa Dengue noong June 17. Nagkasakit si Ethan simula June 14.

Ayon sa report ng Sunstar, dinala siya sa provincial hospital pero lumala ang kundisyon niya.

Titser, hinimatay dahil nakita daw niya sa flag ceremony ang pumanaw na estudyante
Titser, hinimatay dahil nakita daw niya sa flag ceremony ang pumanaw na estudyante (Photo: wiki)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nilipat siya sa St. Gabriel Medical Center, at dito na siya namatay noong 17.

Ayon naman sa principal ng Dongon west Elementary School, ang di-pinangalanang guro ay may third eye daw.

Nang mawalan ng malay ang guro, nirequest ng principal ang lahat na mag-alay ng panalangin para kay Ethan.

Nagreport din ang ibang mga guro na nakaamoy sila ng kandila at mga bulaklak sa ilang mga classrooms.

Isang paranormal expert ang nagsabi na di raw handa ang bata na mag move on sa next life.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)