Netizens, natuwa sa libreng sakay ng PNR, MRT at LRT 2 sa mga estudyante simula Hulyo 1

Netizens, natuwa sa libreng sakay ng PNR, MRT at LRT 2 sa mga estudyante simula Hulyo 1

- Inanunsyo ng PNR, MRT 3 at LRT 2 ang libreng sakay ng mga estudyante sa kanila simula Lunes, Hulyo 1

- Nilinaw nilang di kasama sa mga magbibigay ng libreng sakay ang LRT 1 na nasa ilalim ng Light Rail Manila Corporation

- May mga nakatakdang oras lamang kung kailan libre ang sakay sa mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inanunsyo ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang libreng sakay para sa mga estudyante sa PNR, MRT at LRT 2 simula sa Lunes, Hulyo 1.

Ayon sa Rappler, may mga nakatakdang oras lamang kung kailan malilibre ang sakay at nilinaw ring di kasama ang LRT 1 sa magbibigay ng 'free rides'.

Nalaman ng KAMI na libre ang sakay sa LRT 2 ay mula 4:30am hanggang 6 ng umaga at 3:00pm hanggang 4:30 ng hapon.

Samantala, ang MRT naman ay ili-libre ang sakay ng mga estudyante mula 5:00 hanggang 6:30 ng umaga at 3pm hanggang 4:30 ng hapon.

Sa PNR naman, walang bayad ang mga estudyante mula 5am hanggang 6:00 ng umaga at 3pm hanggang 4:00 ng hapon.

Dagdag pa rito ang "anti-cut-off pass" kung saan automatic na papasukin ang mga estudyante at di palalabasin pa kung puno man ang tren.

Epektibo ito mula Lunes hanggang Biyernes maliban lamang kung holiday.

Dahil dito, natuwa ang karamihan ng netizens lalo na ang mga estudyanteng makikinabang sa mga libreng sakay na ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Thank you po sa nakaisip nito. Pasok na ang allowance namin"
"Wow, kahit may oras ok na rin, malaking bagay na ito para sa mga students"
"Great idea. bakit nga naman di pa to naisip noon pa"
"More free hours sana pero ok na ito, malaking bagay!"
"Thank you po, matutuwa ang mama ko sa balita na to."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank: Free Money! Catch It, If You Can | HumanMeter

Money is such a crazy thing: here today, gone tomorrow! Right?

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel