Raffy Tulfo, tinabla ang isang beki na humihingi ng tulong sa kanyang programa

Raffy Tulfo, tinabla ang isang beki na humihingi ng tulong sa kanyang programa

-Matapos na marinig ang hinaing ng isang beki na lumapit sa kanya ay agad rin niya itong pinaalis

-Una nitong sinabi na kaya siya naroon ay para humingi ng tulong na matanggap siya ng kanyang ama

-Ngunit kalaunan ay inamin rin nito na nagkaroon ito ng pagkakasala sa kanilang lugar na 'di nagustuhan ni idol Raffy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na rin pinagtagal ni Raffy Tulfo ang isa sa mga humingi ng tulong sa pamamagitan ng kanyang programa.

Kinilala itong si Jerome Bayra, 21-anyos at mula sa Baao, Camarines Sur.

Una daw nitong sinabi na kaya ito naroon ay para humingi ng tulong na makabalik sa kanilang lugar sa CamSur.

Hindi raw kasi ito tanggap ng kanyang sariling ama at natatakot na bumalik sa kanilang bahay.

Ngunit kalaunan ay inamin na rin nito na mayroon itong problema kung kaya naman hindi siya maka-uwi sa kanila.

Anito, nanloob ito sa bahay ng noo'y treasurer ng kanilang barangay at ninakaw ang laptop nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maging ang tiyahin niya ay ninakawan rin daw niya ng TV.

Dahil dito, hindi siya tinulungan ni Tulfo at sa halip ay agad na pinaalis.

Bagamat sinabi nito na nagbago na ito ay hindi na ito pinakinggan pa ni Tulfo.

Hinala ng batikang broadcast journalist, nais lamang ni Bayra na tulungan itong mabayaran ang mga ninakaw nito.

Marahil daw ay nais din nitong linisin ng kanilang programa ang mga kasong iniwan nito.

Sinabi kasi ni Bayra na kaya siya nagnakaw ay dahil ipinamasahe niya ito papuntang Maynila.

Ayon kay Tulfo, posibleng may warrant of arrest na ito sa kanilang lugar at tumakas papuntang Maynila.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank: Free Money! Catch It, If You Can! Money is such a crazy thing: here today, gone tomorrow! Right? Check out all of our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel