Overtime sa trabaho, isa sa tinuturong sanhi ng sakit sa puso

Overtime sa trabaho, isa sa tinuturong sanhi ng sakit sa puso

- Lumabas sa pagsasaliksik na ang labis na oras sa pagtatrabaho ay isang sanhi ng sakit sa puso

- Bukod pa rito, isa rin ito sa nagiging dahilan ng pagdagdag ng timbang, pagkaaburido at maging depresyon

- Siguraduhing may sapat na pahinga at wastong kinakain upang maiwasan ang anumang karamdaman dala ng labis na pagtatrabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang lahat ng labis ay nakasasama. Kaya naman sa isinagawang pagsasaliksik ng European Heart Journal, ang overtime o OT sa trabaho ay isa sa nakikitang sanhi ng sakit sa puso.

Sa ulat ni Emily Reynolds ng Metro, mas malaki ang tsansa na magkaroon ng karamdaman sa puso ang mga taong madalas mag-OT kumpara sa mga taong nasa regular at tamang oras lamang ang pagtatrabaho.

Sinuri ang nasa 85,000 na mga nagtatrabahong lalaki at babae sa loob ng 10 taon. Nakita nilang ang mga nagkaroon ng karamdaman sa puso dala ng labis na oras sa trabaho ay wala namang medical history na maaring pagmanahan nito sa kanilang pamilya.

Nakita ng mga researchers na ang lampas 55 na oras na pagtatrabaho sa isang linggo ang nakikitang sanhi sa atrial fibrillation o ang abnormal na pagbilis ng tibok ng puso.

Overtime sa trabaho, isa sa tinuturong sanhi ng sakit sa puso

source: Metro/ Cosmo.ph
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang kondisyong ito ay maaring mauwi sa stroke o atake sa puso.

Sinasabing ang mga taong ito ay madalas stress dahil halos wala na silang oras para sa ibang bagay na maaring makapagpagaan ng kanilang kalooban.

Bukod pa sa kondisyon sa puso, sinasabing ang ovetime din ang sanhi ng obesity o pagdagdag ng sobrang timbang, pagkaaburido at ang malala, depresyon.

Kaya naman payo ng mga eksperto, alagaan ang sarili at huwag hayaang maabuso ito dahil sa labis na pagtatrabaho.

Siguraduhin din ang tamang pahinga at wastong pagkain upang mapangalagaan ang kalusugan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank: Free Money! Catch It, If You Can | HumanMeter

Money is such a crazy thing: here today, gone tomorrow! Right?

Source: Kami.com.ph

Related news
Marjorie Barretto, may resbak tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson

Marjorie Barretto, may resbak tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson

Marjorie Barretto, may resbak tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel