DH sa Riyadh, pinagpalit sa mas bata at pinapalayas matapos niyang ipa-renovate ang bahay ni kuya

DH sa Riyadh, pinagpalit sa mas bata at pinapalayas matapos niyang ipa-renovate ang bahay ni kuya

- Isang domestic helper sa Riyadh ang humingi ng tulong sa programa ni Idol Raffy

- Nireklamo niya ang dating boyfriend dahil pinagpalit daw siya sa mas bata matapos niyang magpadala ng 400k

- Ginamit daw ang pera pang-renovate ng bahay ng pamilya ni kuya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog sa tanggapan ng 'Raffy Tulfo in Action' ang isang domestic helper sa Riyadh, Saudi Arabia na si Dolores Lezada, 58-anyos.

Nalaman ng KAMI na inirereklamo niya ang dating boyfriend na si Roderick Soria, 40-anyos, isang administrative assistant sa DSWD.

Ayon sa kuwento ni Dolores, umabot sa P400,000 ang napadala niyang pera kay Roderick na ginamit nito para ipa-renovate ang bahay na tinitirhan nito at ng tatay niya.

Pero matapos lahat ng ginawa niya para kay Roderick ay nagawa pa rin daw siyang ipagpalit nito sa mas bata at may katas pa.

Dagdag pa ni Dolores, pinapalayas din daw siya ng dating kasintahan sa bahay na mismong siya ang gumastos para mapaayos.

27-anyos daw ang ipinalit ni Roderick sa kanya, "Kasi ang sinabi niya wala na akong katas, nakahanap na siya ng babae na may katas," saad ni Dolores.

Watch the video below:

Maraming netizens ang naawa kay Dolores, pero mayroon ding mga nagsasabi na dapat ay hindi siya nagpadala sa paiyak-iyak ni kuya.

"Tanga yun lalake,disabled kana nga nagloko ka pa, mabuti ang puso ng girl.nagmahal Lang sya!"
"kapal ng muka ng lalaki paawa pa pagkatapos paayos bhay pinagpalit na c mother, yaan mo mother my karma din yan more blessing pa sayo"
"Ate napakabait mo at napatawad mo ang taong nagkasala sayo God Bless! Sana makakita ka pa ng mas higit sa kanya"
"Dka n nahiya Roderick soria dka naawa ky ate.dmo lng alam kong gaano kahirap mgtrabaho sa ibang bansa tapos ikaw nghihingi k lolokuhin mo wala kng kacng sama."
"Ang rupok mo mother! Hahahah! Ganyan naman yang mga lalaki, Minahal mo na nga lolokohin ka pa. Dadaanin ka sa iyak tapos ikaw naman na si Marupok, Sige okay na. Hays buhay!"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, isang OFW ang pinagtaguan ang kanyang misis dahil minaliit daw nito ang pagiging driver niya sa Saudi.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video of Public Pranks, we tricked people into catching free money! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sen. Hontiveros slams netizen who criticized her SONA outfit

Sen. Hontiveros slams netizen who criticized her SONA outfit

Sen. Hontiveros slams netizen who criticized her SONA outfit
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel