Babae, emosyonal na sinamahan ang asong may kanser hanggang sa huling hininga nito

Babae, emosyonal na sinamahan ang asong may kanser hanggang sa huling hininga nito

- Naging emosyonal ang isang babae mula sa Speranza Animal Rescue nang samahan nito ang asong may kanser hanggang sa tuluyan na itong mamatay

- Pansin daw kasi nito ang panghihina at ang labis na sakit na nadarama ng aso kaya naman di na niya ito iniwan magdamag

- Maluwag naman daw sa kanyang kalooban na nasiguro niyang may kumalinga sa aso bago man lang ito tuluyang pumanaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng isang empleyado ng Speranza Animal Rescue kung paano niya sinamahan ang asong si Watson hanggang sa huling hininga nito.

Sa Facebook page mismo ng Speranza Animal Rescue, kinuwento ni Janine Guido kung paano niya inalagaan kahit sa huling sandali si Watson, isa sa mga asong kanilang na-rescue.

Napansin niya mula pa lamang sa parke kung saan nila nakita si Watson na puro sugat na ito at may tumor pa ang kanyang isang binti.

Sa kasamaang palad, di na raw kakayanin pang operahan si Watson ayon sa mga beterinaryo dahil malala na ang kanser nito.

Kitang-kita na rin daw kasi ni Janine ang hirap ng dinaranas ng aso at maging siya ay nahihirapang makita ito sa ganoong estado.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman naisipan niyang tabihan, kalingain at hindi iwan si Watson dahil alam niyang di na ito tatagal pa.

Magdamag niyang sinasabi kay Watson na may mga nagmamahal sa kanya habang yakap niya ito buong gabi.

Kinabukasan, di na muling nagising pa ang aso.

Labis na naging emosyonal si Janine kahit sa sandaling pagkakakilala ni Watson. Maluwag naman daw sa kanyang kalooban na kahit sa huling sandali ng aso, naiparamdam niyang may nagmalasakit dito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank: Free Money! Catch It, If You Can | HumanMeter

Money is such a crazy thing: here today, gone tomorrow! Right?

Source: Kami.com.ph

Related news
Angel Locsin, binati ang bagong Darna na si Jane de Leon sa socmed

Angel Locsin, binati ang bagong Darna na si Jane de Leon sa socmed

Angel Locsin, binati ang bagong Darna na si Jane de Leon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel