Ben Tulfo, may banat kaugnay sa isyu ng "boba" comment ni Locsin kay Robredo

Ben Tulfo, may banat kaugnay sa isyu ng "boba" comment ni Locsin kay Robredo

-Hindi pinalagpas ni Ben Tulfo ang mainit na isyu sa pagitan ni DFA Secretary Teddy Locsin at VP Leni Robredo

-Maingat na ipinaliwanag ni Tulfo ang "pinag-ugatan" para mas maintindihan ng marami ang kontrobersyal na "boba" comment ni Locsin

-Binatikos naman nito ang mga diumano'y nanunulsol kay VP Leni

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pamamagitan ng kanyang programang Bitag, 'di pinalagpas ng sikat ng broadcast journalist na si Ben Tulfo ang mainit na isyu sa pagitan ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. at Vice President Leni Robredo.

Idinetalye nito ang naging ugat ng kontrobersyal na "boba" comment ng top diplomat na si Locsin laban sa bise presidente ng bansa.

Nagbigay si Tulfo ng kanyang opinyon sa isyu ng diplomatic passport na kinasangkutang ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario kung saan nagsimula ang kontrobersyal na komento ni Locsin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Anito, posibleng para sa marami ay nakakabastos ito, ngunit posibleng "pang-aasar" lamang din ito ng isang taong magaling gumamit ng salita at matalino.

Nilinaw rin ni Tulfo ang naging pahayag ni Locsin na: "Will someone please do her the kindness to give her a brain?"

Sabi ni Tulfo, posibleng ang ibig sabihin raw nito ay "bigyang-kaalaman" si Robredo kaugnay ng kanyang naging hakbang sa diplomatic passport.

At dahil nag-sorry na si Locsin kay Robredo, nasa bise na lamang kung paanong tatanggapin ito at huwag nang gawan pa ng malaking isyu.

Binatikos naman ni Tulfo ang mga taong diumano'y "nanunulsol" kay Robredo.

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, kunundena naman ni Opposition Senator Kiko Pangilinan ang mga naging pahayag ni Locsin laban kay VP Robredo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank: Free Money! Catch It, If You Can! Money is such a crazy thing: here today, gone tomorrow! Right? Check out all of our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel