Dalagitang tinulungan ng 1 pulis, nais namang pag-aaralin ng 1 hospital chief

Dalagitang tinulungan ng 1 pulis, nais namang pag-aaralin ng 1 hospital chief

- Pagkatapos na tulungan ng isang pulis, isa namang presidente ng isang ospital ang nais na pag-aralin ang dalagitang si Angela Perez

- Bukod sa edukasyon, sasagutin na rin ng hospital chief ang gastusin para mapagamot ang thyroid cancer nito

- Agad na nag-viral ang istorya ng dalagita na parehong nakakulong ang mga magulang dahil sa droga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos na mag-viral ang istorya ng dalagitang si Angela Perez, ang dalagitang humingi ng tulong sa mga pulis para patuloy na makapag-aral, isa namang presidente ng ospital ang nais itong pag-aralin.

Ang presidente ng Chinese General Hospital na si Dr. James Dy ay nangakong susuportahan ang pag-aaral ni Perez sa kolehiyo kung nais nitong maging doktor, batay sa ulat ng Inquirer.

Bukod rito, nangako rin si Dr. Dy na sasagutin ang pagpapagamot ng dalagita na na-diagnose na mayroong thyroid cancer.

Ito ang magandang balita na ibinahagi ng National Capital Region Police Office director na si Maj. Gen. Guillermo Eleazar sa pamamagitan ng isang statement.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Ang health concern ni Angela ay mabibigyan ng atensyon at hindi lang yun pati ang kanyang pag aaral,” sabi ni Eleazar.

Ayon pa sa report, dinala na si Perez sa nasabing ospital upang sumailalim sa mga lab test. Hindi kasi ito pwedeng operahan dahil sa kanyang edad.

Una nang naibalita nang KAMI na parehong nakakulong ang mga magulang nito dahil sa droga. Dahil dito, humingi ito ng tulong sa mga pulis na umaresto sa kanyang nanay.

Wala kasi itong kamag-anak na tatayo bilang guardian kung kaya hindi sana ito makakapag-aral. Ang pulis na si Cpl. Claro Fornis ay walang pag-aalinlangan na tumulong kay Perez at tumayo bilang guardian nito, sa ulat ng ABS-CBN News.

“Nung nagtapat sa akin yung bata, hindi ako nag-alinlangan na tulungan siya,” ani Fornis sa panayam rito.

Bukod dito, nag-paabot rin ng tulong ang kapwa nito mga pulis at maging si Eleazar para sa dalagita.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank: Free Money! Catch It, If You Can! Money is such a crazy thing: here today, gone tomorrow! Right? Check out all of our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sen. Hontiveros calls out netizen who criticized her SONA outfit

Sen. Hontiveros calls out netizen who criticized her SONA outfit

Sen. Hontiveros slams netizen who criticized her SONA outfit
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel