Lalaki, patay matapos sumali sa patagalan sa ilalim ng tubig at nalunod

Lalaki, patay matapos sumali sa patagalan sa ilalim ng tubig at nalunod

- Dahil lamang sa simpleng hamon ng patagalan sa ilalim ng tubig, patay ang isang lalaki sa Cebu City

- Ayon sa ulat, kasama nito ang ilang kaibigan at kaanak nang mangyari ang insidente

- Humingi naman ng tulong ang pamilya nito upang ma-autopsy ang katawan ng biktima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasawi ang isang 27-anyos na lalaki sa Cebu City matapos nitong kumasa sa simpleng hamon ng patagalan sa ilalim ng tubig noong Linggo, June 24, habang ipinagdiriwang ang pista ni San Juan.

Ayon sa report ng Cebu Daily News, kasama ng biktimang kinilalang si Vicente Patalinghug ang ilang kaibigan at kaanak nang maganap ang trahedya.

Sabi ni Police Master Sergeant Reynaldo Celebrado ng Sibonga Police, nagsimula na raw mag-alala ang mga kasama ni Patalinghug nang lumipas ang ilang sandali at hindi na ito lumutang pa mula sa ilalim ng dagat matapos tanggapin ang hamon.

Nang hanapin na ito ng mga kasama sa lugar kung saan ito huling nakita ay hindi na ito nakita pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Lumipas pa ang isang oras bago nila nakita ang katawan nito, 'di kalayuan sa beach property kung nasaan ang mga ito.

Ayon sa ulat, na-ipit ito sa mga ugat ng mga halaman sa lugar ng bakawan.

Lunes nang i-report ng kapatid na babae ng biktima ang tungkol sa insidente kung kaya noon pa lamang nakakilos para mag-imbestiga ang mga pulis, ayon pa sa ulat ng CDN.

Ayon kay Celebrado, humingi ng tulong ang pamilya nito para ma-autopsy ang katawan ng biktima upang malaman ang ikinamatay nito.

Lumabas naman sa imbestigasyon na naka-inom ng alak ang biktima kasama ang mga kaibigan at kaanak bago ito lumangoy.

Doon na raw may isa sa mga ito ang nag-hamon ng patagalan sa ilalim ng tubig.

Lalaki, patay matapos sumali sa patagalan sa ilalim ng tubig at nalunod

Photo source: Google Images/photo for illustration only
Source: Getty Images

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, isa namang 18-anyos na dalaga ang namatay nang sumalpok sa isang truck ang minamaneho nitong motor matapos umiwas na mabasa ng mga residente na nagdiriwang din ng pista ni San Juan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank: Free Money! Catch It, If You Can! Money is such a crazy thing: here today, gone tomorrow! Right? Check out all of our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pres. Duterte claims PHL only giving fishing rights to China in WPS

Pres. Duterte claims PHL only giving fishing rights to China in WPS

Pres. Duterte claims PHL only giving rights to China in WPS
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel