Misis, di na matiis ang pambababae at panlalalake ni mister na isang propesor

Misis, di na matiis ang pambababae at panlalalake ni mister na isang propesor

- Isang misis ang dumulog sa Raffy Tulfo in Action at inireklamo ang nanlalalake at nambababaeng mister

- Propesor sa kolehiyo sa Northern Samar ang mister

- Nang makausap ni Idol, sinabi niyang nasa korte na raw ang kaso at doon na lang pag-uusapan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog sa Raffy Tulfo in Action si Lita Alvarez, 33, isang housewife sa Northern Samar. Inereklamo nito ang mister dahil sa pakikipagrelasyon nito sa babae at pati na rin sa lalake.

Nalaman ng KAMI na ang mister ni misis ay si Marlo Alvarez. Isa siyang 35-anyos na propesor sa isang kolehiyo sa Northern Samar.

Ayon kay misis, may estudayante daw na lalake na pinapag-aral ang kanyang mister. Di lang iyon, may mga babae ring sinusuportahan ang mister.

Ang pinuputakti ni misis ay hindi raw sila ng kanilang mga anak magawang sustentuhan nang mabuti ni mister.

Nang makausap ni Tulfo si propesor, sinabi ni propesor na nasa korte na raw yung kaso kung kaya doon na lang sila mag-uusap.

Deretsahan siyang tinanong ni Idol kung may karelasyon siyang lalake at sinabi naman niyang wala raw.

Si misis naman ay wala ring ebidensiya, bagkus, marami na talaga ang nagkuwento sa kanya tungkol sa mister niya.

Panoorin ang kanilang pag-uusap.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel