OFW, pinagtaguan si misis dahil minaliit ang pagiging driver niya sa Saudi

OFW, pinagtaguan si misis dahil minaliit ang pagiging driver niya sa Saudi

- Hina-hunting ng isang misis ang kanyang mister na OFW

- Halos isang buwan na raw kasi itong nagtatago mula nang makauwi ng bansa

- Tinaasan ng kilay ng ilang netizens ang naging dahilan ni mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang misis na si April Lewellyn Cabatuan, 30-anyos, nagtatrabaho bilang production operator sa Cavite, ang dumulog sa tanggapan ng 'Raffy Tulfo in Action.'

Nalaman ng KAMI na halos isang buwan na siyang pinagtataguan ng kanyang mister na si Mark Loise Cabatuan, 31-anyos, nang makauwi ito ng bansa.

Si Mark ay dating driver sa Saudi Arabia at ayon sa kuwento niya, nasaktan siya nang sabihan siya ni misis na isa lamang siyang hamak na driver.

Pero depensa ni misis, sinabi ni Mark sa kanyang nanay na mukhang pera si April.

Nalaman ni April na nakauwi na si Mark dahil sa pinsan nito. Kahit daw ang biyenan niya ay hindi na nag-rereply sa kanya.

Umamin naman si mister na ayaw na niya kay misis nang tanungin siya ni Idol Raffy tungkol dito.

Kalaunan pa ay sinabi rin ni April na dati na niyang nahuli na may babae si Mark dahil mismong kabit nito ang kumausap sa kanya at nagsabi tungkol sa relasyon nilang dalawa.

Watch the video below:

Pero maraming netizens ang duda sa mga dinadahilan ni Mark at sinasabi pa nila na maaaring may kabit ito kaya nagtatago.

"May iba na Yan kya ganyan, kabet kabet na Yan."
"Ang sakit kpg sinabi ng lalke na ayaw na sayu... May iba na yan sigurado..parang ako nasasakal kay misis di maigalaw leeg..pro very calm sya..mahirap aa fb lang nkilala tas ksal na"
"Palusot lang si kuya eh hindi kaya umamin sa kasalanan nya."
"May kabet yan kaya nagtatago. nauutal nung sumagot e haha"
"Npakasaket nun. Tagos sa buto. ILOVEYOU GOODBYE"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, isang mag-ama ang naulila ng kanilang ilaw ng tahanan dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video of Public Pranks, we tricked people into catching free money! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel