15-anyos, nagtayo ng 24/7 na library para sa publiko

15-anyos, nagtayo ng 24/7 na library para sa publiko

- Isang 15-anyos na estudyante ang nakaisip na magtayo ng isang mini library sa barangay Wilfredo Aquino, Davao city

- Mula lamang sa mga tray ng prutas na pinagdikit-dikit ang mga lagayan ng ba't ibang uri ng aklat

- Di inaaasahan ni Enzo ang mga positibong reakyson lalo na ng mga kapwa niya kabataan na walang humpay ang pagpunta at pagbabasa sa 'Lib'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang 15-taong gulang na si Enzo Puentespina dahil sa pagpapatayo niya ng isang mini-library na nakapwesto sa barangay Wilfredo Aquino, Davao city.

Nalaman ng KAMI na dalawang linggo na ang nakalilipas nang buksan niya sa publiko ang aklatan na tinawag niyang "Lib of positivity."

Yari lamang sa mga pinagdikit-dikit na tray ng prutas ang lagayan ng libro rito.

"Nag-isip kami na gamitin ito para ma-help ang community so we (with my parents) ended up thinking of a project as library so that we can help the community. I didn't expect this thing to grow fast," pahayag ni Enzo nang makapanayam siya ng ABS-CBN news.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa tulong ng kanyang mga magulang, naitayo niya ang "Library Introducing a good Behavior" o "Lib"

Halos mapuno na ito ng mga libro tungkol sa English, Math Science at marami pang iba.

Mapapansin din ang mga panuntunan ng library tungkol sa tamang paggamit at pagbabasa ng mga libro rito.

Bukas din ito sa mga donasyon upang makapagbahagi pa sila ng mga babasahing aklat lalo na sa mga kabataan.

Di rin nila inaasahang dudumugin ito ng mga kapwa estudyante ni Enzo at magkakaroon ito ng positibong resulta sa publiko.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank: Free Money! Catch It, If You Can | HumanMeter

Money is such a crazy thing: here today, gone tomorrow! Right?

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel