Natizen, naglabas ng saloobin tungkol sa palpak na dekorasyon sa kasal ng kapatid

Natizen, naglabas ng saloobin tungkol sa palpak na dekorasyon sa kasal ng kapatid

- Naglabas ng saloobin ang kapatid ng bagong kasal dahil sa mga kapalpakan umano ng simbahan na pinagdausan nito

- Naningil pa raw kasi ito ng dagdag bayad ngunit laking gulat nila na literal na plastic na pinalobo lamang ang naka-arko sa pinto ng simbahan

- May iba pang nakitang kapalpakan ang kapatid kaya naman binulalas na lamang niya ang kanyang galit sa viral post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di na napigilan pa ni Estela Puso ang sama ng kanyang loob sa kinalabasang kasal ng kanyang kapatid.

Nalaman ng KAMI na humingi pa ng dagdag bayad ang simbahan na pinagdausan ng kasal para sa mga karagdagang dekorasyon dito.

Ngunit laking gulat na lamang nina Estela na mga plastik na ginawang lobo lamang ang naka-arko sa pinto ng simbahan.

Di lang ito, napansin din nilang di man lang parehong kulay ang ginamit na lalakaran patungo sa altar.

Nakadagdag pa sa sama ng loob nila nang sabihin ng simbahan na sila rin ang babasa ng mga pagbasa sa bahagi ng seremonya ng kasal.

Maging ang mga bulaklak na ginamit sa kasal ay nilarawan niyang parang mga "scrap" lang.

Sa tindi ng sama ng loob ni Estela, di niya naiwasang mabatikos ang simbahang kanyang kinabibilangan.

Samantala, tila iba naman ang naging reaksyon ng mga netizen sa saloobin ni Estela. Lumalabas na tila kulang naman daw talaga ang halaga na binanggit para sa inaasahan niyang maayos na mga dekorasyon sa kasal.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Parang di naman simbahan yan gym yata kong gym man yan di na yan problema ng simbahan caterer na kong wala man obligado na magaayos yong partidos ng ikakasal"
"Labas lhat ng florist sa dangwa ...Ulitin ang kasal haha..5k mu teh..gigil mu is me ei.. bulaklak mag kano na floral foam,pakain, pa gas pa ng ssakyan, pashod pa sa tao cge nga. Tingin mu kakasya yan 5k mu. at anung 2yr pinag ipunan kwento sa pagong...5k 2yrs nag papatawa k tlga. Dpat ikw/kau nlng gumawa. Tignan ko san aabot ung 5k mu.."
"Ate naman, galing naman palang ibang bansa di pa binonggahan, sana naghanap kayo ng wedding coordinator at mgandang simbahan. Wag mong sisihin ang simbahang katoliko kasi kayo talaga dapat yan. 5K? Nako eh kulang pa yan sa itutulong nyo sa simbahan"
"Nagsisimba ako dyan.. Dito yan sa bagong silang.. Malapit sa lacson.. At Fyi! Ate!! Yang 5k nayan? Baka nga pangbulaklak lang eh! Kung gusto nyo magarbo! Gumastos kayo! San ka naka kita 5k kasal gusto marangya"
"Kung magaling lang yung magdedesign, i think yung 5k na budget kakasya yun lalot madiskarte at creative talaga ang gagawa. di naman cathedral yung dedekorasyunan. kaso kinuha na muna nila agad yung service fee nila bago yung service kaya yan na lang natira sa budget"

Umabot na sa 2,800 na iba't ibang reaksyon ang viral post na ito na mayroon ding 1,800 na pagbabahagi.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank: Free Money! Catch It, If You Can | HumanMeter

Money is such a crazy thing: here today, gone tomorrow! Right?

Source: Kami.com.ph

Related news
Marjorie Barretto, may buwelta tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson

Marjorie Barretto, may buwelta tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson

Marjorie Barretto, may resbak tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel