Netizen, nahabag sa Grab Food delivery man na walang kapote sa kasagsagan ng ulan

Netizen, nahabag sa Grab Food delivery man na walang kapote sa kasagsagan ng ulan

- Naalarma ang isang netizen sa Grab Food delivery man na wala manlang kapote gayung umuulan na

- Humingi na lamang daw ito ng itim na trash bag upang may panangga sa ulan

- Tinawag ng netizen ang atensyon ng Grab na sara raw ay gawan ng aksyon ang nakita niyang insidente kung saan naaapektuhan ang kalusugan ng kanilang empleyado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ni Justine Estrada Portillo kung saan pinakita niya ang itsura ng Grab Food delivery man na basang basa sa ulan.

May caption ang post ni Justine na "I feel so bad for GrabFood Drivers. Let’s not order muna especially with this kind of weather"

Nalaman ng KAMI na nagawa na lamang humingi ng delivery man ng trash bag sa milk tea store para lamang masugod na niya ang ulan at ma-deliver sa oras ang order ng kanyang customer.

Sa nakita niyang ito, nagpasalamat na lamang si Justine sa mga Grab Food delivery man dahil 'di biro ang kanilang trabaho lalo na ngayon na papasok na ang tag-ulan.

Buong tapang ding tinawag ng netizen ang atensyon ng Grab kung saan nagtatrabaho ang delivery man.

Nakiusap si Justine na bigyan ng kapote at iba pang proteksyon sa pabugso-bugsong panahon ang mga driver at delivery man ng naturang kompanya.

Samantala, sinang-ayunan naman naman siya ng karamihan sa minungkahi niyang ito habang ang ilan ay may ibang saloobing tungkol sa insidente.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito pa ang ibang naging reaskyon ng mga netizens:

"Hindi ba mas kawawa sila Kung Wala silang Kita kase naawa ka at Hindi umorder?"
"He's doin his best to do his job, the person who ordered will pay nman. Why hate the person who ordered? Kaya nga may GrabFood eh pag wala ung mga ganyang customers edi wala rin silang work. Wag lang icancel ang order ng alanganin kabadtrip tlga un."
"Yong mga drivers may option not to accept. Dahil dala nya yan. Need niya pera. Hanap siya paraan madeliver."
"Siguro ang maganda dito magbigay na lamang ng malaking tip para naman makabawi si driver"
"Some of the customers are unable to see and understand the struggle of every employee, just for the sake of giving them on time and good service. Kudos to our grab food delivery man!"

Umabot na sa 34,000 reactions, 3,100 comments at 14,000 comments ang naturang post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank: Free Money! Catch It, If You Can | HumanMeter

Money is such a crazy thing: here today, gone tomorrow! Right?

Source: Kami.com.ph

Related news
Pres. Duterte claims PHL only giving fishing rights to China in WPS

Pres. Duterte claims PHL only giving fishing rights to China in WPS

Pres. Duterte claims PHL only giving rights to China in WPS
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel