Alagang aso, matiyagang naghintay sa tabi ng hospital bed ng among pumanaw na

Alagang aso, matiyagang naghintay sa tabi ng hospital bed ng among pumanaw na

- Isa ng Labrador Retriever mix ang nag-viral matapos na mai-post ang istorya nito online

- Ayon sa post ay makikita ang lungkot at pangungulila ng alagang aso para sa kanyang amo

- Agad nakakuha ng atensyon mula sa mga netizens ang kuha nito habang naghihintay sa tabi ng hospital bed ng kanyang yumaong amo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pamamagitan ng isang post, ibinahagi ng Facebook page na NorthStar Pet Rescue ang isang larawan ng isang Labrador Retriever mix na si Moose habang matiyagang naghihintay sa tabi ng hospital bed ng kanyang amo.

Hindi nito alam na yumao na ang kanyang amo dahil sa atake sa puso.

Agad na nakakuha ng atensyon sa mga netizens ang viral post dahil sa larawan ito ng kalungkutan.

Ayon sa post ay naibalik ito sa pangangalaga ng Eleventh Hour Rescue, isang non-profit organization na nagliligtas sa mga aso at pusa mula sa kapahamakan.

"Moose has now been returned to our friends at Eleventh Hour Rescue and he's taking the loss of his dad pretty hard." ayon sa post.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nanawagan din ang NorthStar Pet Rescue sa mga nais na mangalaga kay Moose bilang bagong pamilya nito.

Ayon sa post, ang 3-year-old Lab mix ay mahilig sa bata at mabait sa mga tao ngunit hindi ito komportable sa mga pusa at ibon.

Sa latest update na ibinahagi ng FB page, mayroon nang bagong pamilya si Moose at marami daw ang nag-apply para maging bagong taga-pangalaga nito.

Samantala, una nang naibalita ng KAMI ang Pinoy version ni Moose na si Bubuy. Ang binansagang "loyal askal" dahil nag-viral ito matapos ma-spot-an na naghihintay rin sa among guro na yumao na.

Ngunit sa kasamaang-palad ay pumanaw na rin si Bubuy dahil sa hit-and-run kamakailan lamang.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank: Free Money! Catch It, If You Can! Money is such a crazy thing: here today, gone tomorrow! Right? Check out all of our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
At least 23 suspected dead due to fire at anime studio in Japan

At least 23 suspected dead due to fire at anime studio in Japan

At least 23 suspected killed by a fire at anime studio in Japan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel