Touching video ng magkapatid na paslit, umabot sa mahigit 8M ang views

Touching video ng magkapatid na paslit, umabot sa mahigit 8M ang views

- Nakaka-touch ang viral video sa social media tampok ang magkapatid na parehong paslit

- Makikita rito ang pagmamahal at pag-aalaga ng isang kuya sa kanyang nakababatang kapatid na babae nang ito ay masaktan sa kanilang paglalaro

- Maraming netizens ang natuwa sa viral video at umabot pa sa mahigit 8M ang views nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mahigit walong milyong views sa social media ang inabot ng isang viral video tampok ang magkapatid na pawang mga paslit.

Sa video, makikita ang dalawa habang tinuturuan ng batang lalaki ang kanyang nakababatang kapatid na babae ng larong basketball.

Ngunit dahil sa maliit pa ito ay nahirapan itong i-shoot ang bola sa ring. Sa halip ay tinamaan ito ng bola sa mukha.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Agad naman itong dinamayan ng kanyang kuya at sinalo. Pinalakas pa nito ang loob ng kapatid at sinabing: "Your strong."

Sa muling subok ng batang babae na i-shoot ang bola ay kinarga na lamang ito ng kanyang kuya at sa wakas ay masayang nagtagumpay ito.

Marahil ay simpleng eksena lamang ito sa pagitan ng magkapatid ngunit para sa marami ay larawan ito ng pagmamahal ng isang kuya sa kanyang nakababatang kapatid.

Bukod sa milyon-milyong views nito ay umabot rin sa mahigit 160,000 ang shares nito sa social media.

Hindi na ito nakapagtataka dahil ito ay nagpapatunay ng wagas na pagmamahal ng isang pamilya lalo na ng isang kapatid.

Narito ang video mula sa Facebook page na Those Untold Thoughts:

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank: Free Money! Catch It, If You Can! Money is such a crazy thing: here today, gone tomorrow! Right? Check out all of our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Heart Evangelista, nag-throwback sa kanilang sweet Sorsogon prenup ni Chiz

Heart Evangelista, nag-throwback sa kanilang sweet Sorsogon prenup ni Chiz

Heart Evangelista, nag-throwback sa kanilang sweet Sorsogon prenup ni Chiz
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel