Gas boy, nalula sa laki ng halaga ng pabuya ng babaeng minsan niyang natulungan

Gas boy, nalula sa laki ng halaga ng pabuya ng babaeng minsan niyang natulungan

- Di makapaniwala ang gasoline boy sa pabuyang binigay sa kanya ng natulungang customer

- Walang alinlangang tinulungan ng gas boy ang babaeng nagpakarga ng gasolina sa kanyang sasakyan ngunit naiwan naman pala nito ang kanyang pitaka

- Dahil sa kabutihang loob ng gas boy, nag-isip ng paraan ang babae upang matulungan din ang gasoline boy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Milagro raw na maituturing ang pabuyang binigay ng isang babaeng naging customer ng gasoline boy na si Nkosikho Mbele ng Shell.

Sa panayam sa kanila ng News 24 video, kinuwento nilang ang pangyayaring makapagbabago pala sa pagkatao ng bawat isa.

Nalaman ng KAMI na magpapa-gas daw noon si Monet van Deventor nang mapansin niyang naiwan pala niya ang kanyang pitaka na naglalaman ng pera at cards.

Hindi nagdalawang isip ang gasoline boy na i-charge na lamang sa kanya ang pagpapakarga ng gasolina ni Monet.

Nagpasalamat si Monet sa napakalaking bagay ang ginawa ni Nkosikho sa kanya sa araw na iyon.

Ngunit di rito nagtatapos ang pagpapasalamat ng 21 anyos na customer sa 28 anyos na gas boy.

Nag-fund raising si Monet kung saan nakalikom siya ng may katumbas na 1.6 million pesos para kay Nkosikho.

Kung tutuusin, wala pa raw ₱400 o nasa $6.31 lang ang naitulong ng gasoline boy kay Monet para tumbasan niya ito ng milyon.

Wala raw pagsidlan ng kaligayan si Nkosikho sa kaganapang ito. Dahil sa simpleng pagmamalasakit niya sa kapwa na nangangailangan ng tulong, nasuklian ito ng kabutihang makakapagpabago ng kanyang buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank: Free Money! Catch It, If You Can | HumanMeter

Money is such a crazy thing: here today, gone tomorrow! Right?

Source: Kami.com.ph

Related news
Gerphil Flores ties the knot with long-time boyfriend at Manila Cathedral

Gerphil Flores ties the knot with long-time boyfriend at Manila Cathedral

Gerphil Flores gets married to long-time boyfriend at Manila Cathedral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel