"Lumaban ng patas," Maymay Entrata, trending ang tweet tungkol sa pag-abot ng pangarap

"Lumaban ng patas," Maymay Entrata, trending ang tweet tungkol sa pag-abot ng pangarap

- "Lumaban ng patas," ang isa sa paalala ni Maymay Entrata sa trending tweet niya tungkol sa pag-abot ng pangarap

- Pinag-uusapan ang isa sa mga latest posts ni Maymay sa social media

- Ito ay tila dahil sa magandang paninindigan ng Pinoy Big Brother Big Winner

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Lumaban ng patas," ang isa sa matinding paalala ni PBB winner Maymay Entrata na spotted ng KAMI sa trending tweet niya tungkol sa pag-abot ng pangarap.

Bungad pa na sabi ni Maymay:

" Lahat gagawin natin para sa pangarap."

Kasabay nito ay isang maganda at matapang na paalala naman niya tungkol sa pag-abot ng pangarap.

Ani pa niya:

"Pero mas maganda kapag nakamit natin ang ating mga pangarap na walang tinatapakang tao."

Sa pagtatapos pa ng viral tweet ng Kapamilya star ay may pahabol na bilin din siya tungkol sa pagpapakatotoo.

"Mag pakatotoo pero sa tamang paraan."

Agad naman nakakuha ng reaksyon si Maymay Entrata mula sa mga netizens at narito ang ilan sa kanila:

"Tuloy ang pangarap. Just work hard and love your craft!"
"Rumespeto para irespeto. Maglabas ng opinion at ipaglaban ang karapatan pero sa tamang paraan na di nakakabastos ng iba."
"Tama. Don't ever lose your morals just for the sake of anything. Piliin mo lagi ang tamang landas sa pagkamit ng iyong mga pangarap."

Si Maymay Entrata ay unang nakilala at sumikat sa Pinoy Big Brother kung saan siya ang itinanghal na Big Winner ng Pinoy Big Brother: Lucky 7.

Ngayon, hindi maikakaila ang kasikatang naabot niya kasama ang kanyang ka-loveteam na si Edward Barber na mas kilala bilang MayWard.

POPULAR: Read more news about Maymay Entrata here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel